Saturday , November 16 2024

Ayuda ginasta sa toma
KUYA PATAY SA SAKSAK NG KAPATID

PATAY agad ang isang magsasaka sa bayan ng Allacapan, lalawigan ng Cagayan, matapos saksakin ng nakababatang kapatid dahil sa pagbili ng biktima ng alak gamit ang ayuda mula sa lokal na pamahalaan, nitong Linggo, 28 Nobyembre.

Kinilala ni P/Maj. Antonio Palattao, hepe ng Allacapan MPS, ang biktimang si Ador Castro, 43 anyos, namatay nang saksakin sa dibdib ng kanyang 18-anyos kapatid, kinilala sa pangalang Jefferson, gamit ang isang kitchen knife.

Ayon sa imbestigasyon, nauna nang kinastigo ng kanilang ama si Ador dahil sa paggasta ng ayuda para sa alak imbes ibili ng pagkain para sa kanilang pamilya.

Nang akma umanong aatakehin ni Ador ang ama, pumagitna si Jefferson na nagresulta sa pagtatalo ng magkapatid.

Tinangka ni Ador na saksakin si Jefferson gamit ang isang itak ngunit nagawang saksakin ni Jefferson ang kanyang kuya na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Pahayag ni Jefferson sa mga imbestigador, nagawa niya ito bilang pagtatanggol sa kanyang sarili at sa ama.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …