Saturday , November 16 2024

2 kabataan timbog sa pagnanakaw sa construction site

ARESTADO ang dalawa sa tatlong lalaki na pumasok at nagnakaw sa isang construction site sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina John Alforte, 22 anyos, at Jerico Policarpio, 21, kapwa residente sa Meycauayan, Bulacan habang pinaghahanap ng pulisya si alyas Johnski Cabanilla.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Michael Calora, natutulog sa loob ng kanilang barracks sa construction site sa McArthur Highway, Brgy. Malanday dakong 3:00 am ang mga biktimang sina Ryan Padua, 34, at Mark Anthony Serrano, 22, kapwa construction worker, ngunit nagising sa ingay ng mga suspek.

Nang bumangon, nakita nila ang tatlong mga suspek na paalis bitbit ang kanilang mga ninakaw dahilan upang habulin sila ng mga biktima hanggang makorner si Policarpio ngunit nakatakas ang dalawa.

Humingi ang mga biktima ng tulong sa PSB Malanday, Sub-Station 6, na agad namang nagsagawa ng follow-up operation sa pangunguna ni P/SMSgt.  Roberto Santillan at P/Cpl. Darius John Pacleb na nagresulta sa pagkakaaresto kay Alforte habang hindi na nakita si Cabanilla.

Nakuha kay Policarpio ang isang kitchen knife habang matulis na bagay ang narekober kay Alforte, samantala, nabawi ng mga pulis sa mga suspek ang isang cellphone, empty M-GAS tank, at 13 pirasong steel clump pero hindi nabawi ang isa pang cellphone na nasa P14,000 ang halaga.  (ROMMEL SALES)  

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …