Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheree On Top TV, Rico Robles, Kat B, Too Hot For Podcast

Sheree, nakatutok sa Youtube channel niyang Too Hot For Podcast

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LAGING humahataw sa iba’ ibang pinagkaka-abalahan ang sexy actress na si Sheree.

Bukod sa naghihintay na lang ng playdate ang pelikula nilang Deception, starring Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, directed by Joel Lamangan, focus ngayon ang morenang aktres sa bago niyang Youtube channel, ang Sheree On Top TV.

From Sheree Vidal Bautista, ginawa niyang Sheree on Top TV ang kanyang YT channel at happy ang Viva aktres dahil maganda ang feedback nito sa madlang pipol, dahil very catchy daw kasi.

Ayon kay Sheree, gusto niyang maging content ng channel niya ang kanyang fitness journey, art, at interview sa iba’t ibang artists and possibly, pati sa mga politicians.

Nakangiting sabi niya, “I wanna share my stories, my real self to my supportive subscribers. Before kasi puro kagagahan lang ako. I wanna go deeper now.”

Dagdag pa ni Sheree, “Concentrate muna ako sa pag-build ulit ng Youtube channel ko, for now. Ang una kong i-launch is Too Hot For Podcast sa shereeontoptv with Rico Robles and Kat B.”

Sino ang dream niyang mai-guest sa kanyang YT channel?

Tugon ni Sheree, “Sa Youtube channel ko, ang dream kong mai-guest ay si Lea Salonga. Ultimate idol ko kasi ‘yun. Pero feeling ko kasi, matulala ako kapag kaharap ko na siya.

“Noong first time ko siya na-meet dahil ipinakilala ako ni Gian Magdangal, natulala ako kay Lea,” nakangitng saad niya.

Pagpapatuloy pa ni Sheree, “She is so nice as in ‘pag nakikita niya ako nagha-Hi siya, pero ako talaga natatameme, na wawalan ako ng hininga… dahil iyong idol mo simula bata ka, tapos ay nakaka-usap mo now. Iyong feeling na ganoon, na parang dream?” Natatawang saad pa ni Sheree.

Mayroon na bang Miss Saigon noon?

“Yes, may Miss Saigon na. Gusto ko lang yung linis ng boses niya, tapos sobrang clear ng message ng words niya when she sings. Parang talab talaga sa soul kapag kumakanta siya,” wika pa ni Sheree hinggil sa idolong si Lea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …