Monday , December 23 2024

Dahil sa ‘rice scam’
EMPLEYADO NG BOCAUE PNP NASA ‘HOT WATER’

NALALAGAY sa ala­nganin ang isang non-uniformed personnel ng Bocaue Municipal Police Station (MPS) sa lalawi­gan ng Bulacan dahil sa reklamong pang-i-scam sa negosyong bigasan.

Ayon kay P/Lt. Col. Ronnie Pascua, acting police chief ng Bocaue MPS, lumitaw sa imbestigasyon na si Ayla Joy Dela Cruz, residente sa JMJ Subd., Abangan Norte, Marilao, at empleyada sa naturang estasyon ay pinangakuan ang kanyang mga biktima na kikita sila ng 33 hanggang 50 porsiyento kung mamumuhunan sa kanyang negosyong bigas.

Lumantad ang walong nagreklamo laban kay Dela Cruz at sinabing sila ay namuhunan ng P1.4 milyon, ngunit nabigong makuha ang ipinangako sa kanilang kikitain.

Lumitaw sa imbesti­ga­syon na ang suspek ay walang permit at mga kinauukulng dokumento para sa sinasabi niyang negosyo sa bigas.

Nahaharap ngayon sa sapin-saping rekla­mong Estafa/Swindling at paglabag sa Article 53 ng RA7394 (Consumer Act of the Philippines) ang suspek na nakatak­dang isampa sa korte.

 (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …