Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin, Sharon Cuneta

Sharon tuloy na tuloy na sa Ang Probinsyano

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MAHIRAP pagdudahan na tuloy na tuloy na ang paglabas ni Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano. 

Naglabas  ang Dreamscape, producer ng show para sa Kapamilya Network ng teaser na ang text ay ganito: ”Sa pagpa­patuloy ng ika-6 na anibersaryo ng #FPJsAng Probinsyano, siguradong MEGAganda pa ang gabi niyo! Abangan!”

Sinadyang i-allcaps ang MEGA, ‘di ba? Isang showbiz idol lang naman ang may bansag na “Mega” rito sa bansa, ‘di ba? Kaya mahirap ng pagdudahan na si Sharon ang pinaaabangan sa madla.

Ang balita ay kung walang magbabago sa plano, magsisimula nang mag-taping si Sharon para sa Ang Probibsyano ni Coco Martin ngayong Nobyembre.   

Ipinagdiwang ni Coco ang 40th birthday n’ya noong Lunes, November 1. Ito ang dahilan kaya pahinga muna sa taping ang cast at production staff ng action-serye na anim na taon nang napapanood sa telebisyon.

Ipagpapatuloy ang lock-in taping ng action-serye sa November 14, at naka-iskedyul si Sharon na magsimula nang mag-teyping.

Unang umingay ang posibilidad ng pagpasok ni Sharon sa Ang Probinsyano dahil sa l social media posts n’ya noong July at August 2021 na parang paramdam nga sa pangarap niyang maging bahagi siya ng TV series ni Coco.

Noong June 2016, ayon sa pag-alaala ng katotong Jojo Gabinete sa PEP.ph entertainment website, sinabi ni Sharon sa interbyu sa kanya ng TV Patrol ang pangarap niyang makasama si Coco sa isang proyekto.

Aniya, ”Alam ni Tita Malou [Santos, former executive of Star Cinema] ito, naka-deposit na talaga ‘yung request ko for a movie with Coco, ilang buwan na. Alam ng Star Cinema, any [genre], basta kasama ko siya.”

Ang paglabas ni Sharon sa Ang Probinsyano ang pangalawang pagkakataong matutunghayan ang singer-actress sa isang TV series.

Nagbida na siya noon sa Madam Chairman, ang comedy-drama show ng TV5 na napanood mula October 14, 2013 hanggang February 28, 2014.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …