Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

PNP applicants kinikilan Med rep timbog sa bitag

NASAKOTE sa ikinasang entrapment operation malapit sa regional headquarters ng pulisya ang isang babaeng medical representative na inirekla­mong nangingikil ng pera mula sa mga aplikanteng magpupulis sa bayan ng Palo, lalawigan ng Leyte, nitong Biyernes, 29 Oktubre.

Kinilala ang suspek na si Cherie Pulga, 36 anyos, isang medical representative, huli sa aktong tumanggap ng boodle money mula sa isang aplikanteng kanyang biktima.

Ikinasa ang nasabing entrapment operation ng mga tauhan ng Police Regional Office 8 ng PNP.

Ayon sa mga biktima, naniwala sila sa pangako ng suspek na siguradong slot sa Philippine National Police recruitment kapalit ng P20,000.

Pagkatanggap ng pera, agad dinakip ang suspek at dinala sa Palo Municipal Police Station para sa kaukulang dokumen­tasyon.

Pahayag ni P/BGen. Rommel Cabagnot, Regional Director ng Eastern Visayas Police, hindi kinokonsinti ang mga ilegal na gawaing gaya nito, lalo at nasa kanilang mandato na sumunod sa kautusan ng chief PNP na pang­kalahatang imple­men­tasyon ng Intensified Cleanliness Policy (ICP), kabilang ang “nameless and faceless recruitment.”

Layunin ng polisiya na lipulin ang korupsiyon at hindi patas na gawain sa proseso ng recruitment ng pambansang pulisya.

“Ang insidenteng ito ay patunay lang na sa kabila ng ating kinakaharap na krisis, ang inyong pulisya ay hindi tumitigil sa pagsupil sa lahat ng uri ng kriminalidad kung kaya’t hinihikayat po namin ang lahat na gustong pumasok sa aming hanay na maging mapagmatyag at ‘wag magpapaniwala sa kahit na sinong mangangako sa kanila lalo na’t may kapalit na pera,” ani P/BGen. Cabagnot.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …