Wednesday , June 24 2026
Betong Sumaya, Alden Richards

Betong napaiyak nang bilhin ni Alden mga ibinebenta sa live selling

Rated R
ni Rommel Gonzales

IBANG klase talaga ang kabaitan ni Alden Richards.

Nagkaroon kasi ng Facebook live online selling ng kanyang mga personal na gamit (sumbrero, t-shirt, mugs, Marvel items) si Betong Sumaya ilang araw ang nakararaan.

Malapit ng matapos ang online selling ni Betong nang isang RJ Richards ang nagtanong kung magkano ang halaga ng lahat ng ibinebenta niya.

Sa simula ay hindi agad nakilala ni Betong kung sino si RJ Richards. Matapos na basahin ng ilang ulit ang mensahe ay doon na napagtanto na ang kaibigan niya at kapwa Kapuso artist ang nagtatanong, na walang iba nga kundi si Alden.

“Si RJ Richards? Ha? Alden, ikaw ba ‘yan?” ang gulat na tanong muna ni Betong.

“Magkano lahat ang ibinebenta mo riyan, Bets?” ang muling mensahe ni Alden.

At iyon na nga, nagulat si Betong noong masigurong si Alden nga ang nagtatanong sa kanya ng halaga ng mga ibinebenta niya.

“Siya ‘yun! Ay, sumagot na nga.

“Ay, si Alden nga talaga ito! My God, Alden! Grabe naman ‘to!”

At ang sumunod na mensahe ni Alden ang nagpaiyak kay Betong.

“Bigyan mo ako ng P40K [worth].”

Na-shock si Betong at hindi makapaniwala na nanonood pala si Alden ng kanyang online selling at bibili ng halagang 40K.

“Sige, Alden, sige. Wow, my goodness Alden, napaiyak mo naman ako roon.

“Oh my God, Alden, thank you.

“Ano ba ‘yan, Alden, pinaiyak mo naman ako rito.

“Sige, Den, iano ko, iku-compute ko, thank you.

“Ano ba ‘yan, si Alden naman, o! Napaiyak talaga ako, sobra.

“Sige, Den, ku-compute-in ko, ha. ‘Yung sabi niya kasi, worth P40,000. Thank you, Den.”

Agad na binayaran ni Alden sa pamamagitan ng GCash ang ipinangako niyang halaga kay Betong, dahilan upang lalong umiyak ang komedyante.

“Hala, nagbayad na!

“Den, salamat, ha. From the bottom of my heart and my soul, maraming salamat.

“Hindi ko ini-expect na dadaan ka rito. Thank you,” ang sunod-sunod na umiiyak na pahayag ni Betong.

Kasalukuyang nasa lock-in taping si Alden ng The World Between Us ng GMA (na magbabalik-ere sa Nobyembre) at may nakapagsabi sa amin na kahit binayaran na ay hindi kukunin ni Alden ang mga biniling gamit kay Betong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Coco Martin Julia Montes Jhong Hilario Sigabo

Coco Martin at Julia Montes nagpasiklab, Jhong Hilario kaabang-abang pagkokontrabida 

ni Allan Sancon MAINIT na pinag-uusapan ngayon ng mga manonood ang pinakabagong primetime offering ng ABS-CBN, …

Aerwyna Pearl

Newbie singer ng EBQ Music Production malakas ang dating

MATABILni John Fontanilla PROMISING ang pinakabatang recording artist ng EBQ Music Production na si Aerwyna Pearl na mahusay umawit …

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Bam Aquino BINI

Bam Aquino sinamahan anak na si Rory at mga kaibigan sa BINI concert

IPINAGDIWANG ni Senador Bam Aquino ang Father’s Day kasama ang kanyang anak na si Rory at mga kaibigan nito …