Sunday , November 24 2024
500 Peso

3 tulak timbog sa pain na P500 (P.1M shabu kompiskado)

TIMBOG ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nakuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang P500-buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon City police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Romel Villaester, alyas Omi, 33 anyos, residente sa Mangustan Road, Brgy. Potrero; Ricmar Ang, alyas Kulit, 35 anyos, ng Brgy. 120 Caloocan City, at Francisco Cal, alyas Ikoy, 49 anyos, ng Sitio 6, Brgy. Catmon.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSgt. Jerry Basungit, dakong 1:30 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Banana Road kanto ng  University Avenue, Brgy. Potrero.

Nagawang makipagtransaksiyon ng isang undercover police sa mga suspek ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ang isang sachet ng shabu agad silang dinamba ng mga operatiba.

Nakompiska sa mga suspek ang halos 15 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P102,000 at buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *