Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iwa Moto, Tito Sotto, Ping Lacson

Iwa Moto, binara ang mga troll na kumakalaban kina Ping at Tito

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NOON pa man, palaban na si Iwa Motto. Kaya hindi kami nagtaka nang ipagtanggol nito ang kanyang father in law na si Sen. Pampilo ‘Ping’ Lacson mula sa mga troll.

Minsang nag-post kasi ang Starstruck alumna ukol sa pagtakbo nina Sen. Ping bilang pangulo at Sen. Tito Sotto bilang vice president sa 2022 election may mga nagkomento na pare-pareho ang kuda o kaya naman eh, nang-iinis at naninira.

Kaya naman hindi ito inatrasan ng aktres na may dugong Hapon at parang taglay na rin ang dugong Caviteno at sinagot ang mga hindi magagandang komento.

“Kung maka judge kayo kala mo napaka linis. Tapos puro naman trolls!!! Dun kayo mag rant sa page nyo wag sa page ko,” palaban na bira ni Iwa sa mga lumilihis sa kanyang opinyon.

“Pasalamat ka bored ako now kaya pinansin kita. Pero again share your opinion sa platform mo! Not here! Plus hindi naman ako tumatakbo ah bakit sakin mo sinasabi yan?,” giit pa ng asawa ni Pampi.

Noon pa man eh target na ng mga bayarang trolls (na balitang bongga ang sahod), itong sina Ping at Tito Sen kahit hindi pa sila nagdedeklarang tatakbong presidente at VP sa 2022. Eh ‘di lalo na ngayon.

Kaya ‘wag nang magtaka kung sa bawat post ni Iwa, maraming ‘di magagandang comment ang makikita niya. At sa pagtarget sa kanila ng mga troll, isa lang ding patunay na matindi ang tandem ng Ping-Sotto  kaya gusto silang siraan at gibain.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …