Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rayver Cruz

Rayver isinugod ang sarili sa ospital nang magka-Covid

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

HINDI rin natiis ni Rayver Cruz na hindi ikuwento na naging positibo siya sa COVID 19 ilang buwan na ang nakararaan.

Plano kasing hindi na lang ipagsabi ng aktor ito pero dahil matagal siyang hindi napanood sa All-Out Sundays bilang isa sa host at performer ay umamin na rin siya.

Naikuwento ni Rayver kay Nelson Canlas ng 24 Oras na, ”Nagkasakit kasi ako. Alam mo naman ’yung virus natin na kung tawagin eh si Covid?

“Wala lang kasi masyadong nakaaalam pero I had it. Noong time na ’yon nakalulungkot. Na-down din ako,” pagtatapat ng binata.

Sunod-sunod kasi ang trabaho ni Rayver that time at kulang pa sa tulog kaya bumaba ang resistensiya at good thing na may presence of mind siya at kaagad nagpunta sa hospital na sa panahong iyon ay bumaba ang kaso ng Covid kaya mabilis naman siyang na-admit.

”At first kasi, akala ko I thought na napagod lang ako sa mga ginagawa sa pagwo-workout, sa trabaho. Akala ko nagsunod-sunod lang, napagod ako.

“’Yong likod ko ’yong unang sumakit, eh. ’Yong lower back ko hanggang pataas. And then sunod-sunod na ’yon. Naramdaman ko na ’yong symptoms.

“Noong ini-explain sa akin niyong doctor medyo natakot din ako. Mahirap nga naman. Ako lang mag-isa (nakatira sa bahay niya).

“Tricky kasi ’yong Covid, eh. ‘Pag biglang nag-drop ’yung oxygen mo or kung anuman ang mangyari, walang magsusugod sa akin kaagad-agad,” buong kuwento ng aktor.

May nakatatawang kuwento pa tungkol sa pagbabayad na dahil nga kailangan ng downpayment sa hospital kaya nagbigay kaagad si Rayver na hindi niya sinabing may Philhealth siya, mabuti na lang at ipinaalala sa kanya bago siya lumabas dahil plano na naman niyang bayaran ng buo, sayang din ang mababawas sana.

Anyway, bakunado na ngayon si Rayver kaya talagang hinihikayat niya ang lahat na magpa-bakuna na dahil covid is real.

”Important din na sana lahat tayo makapagpabakuna na, ’di ba? It’s important din kahit paano na may protection ka,” sambit pa ng aktor.

Sa kasalukuyan, abala ang aktor sa mga programa niyang All Out Sundays, taping ng The Clash at seryeng Nagbabagang Luha.

Samantala, muling nag-renew ng kontrata niya si Rayver sa GMA 7 ng tatlong taon kasama na ang Artist Center.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Rhodessa Montano Belen

Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 Rhodessa Belen tinulungan Philippine Delegates; Korona ipinasa sa bagong reyna

PORMAL nang nagtapos ang reign ni Rhodessa Montano Belen bilang Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 o sa ginanap na Mrs. …

Piolo Pascual Manilas Finest

Manila’s Finest minarkahan ikatlong sunod na MMFF project ni Piolo 

HARD TALKni Pilar Mateo NINEETEEN sixty nine. Ten years old ako. Elementary.  Aware naman na …

MMFF MMDA

MMDA pinamunuan premiere night ng 8 kalahok sa MMFF 2025  

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang patakarang ngayon sa mga premiere night ng …

Derek Ramsay The Kingdom

The Kingdom gagawing TV series, Derek Ramsay magbibida

I-FLEXni Jun Nardo GAGAWING TV series ang pelikulang The Kingdom na pinagbidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascualna ipinalabas last …

Celesst Mar

Fil-Am singer-songwriter iiwan America para sa local showbiz career

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAHILIG sa dagat at malaking bahagi ng kanyang musika ay nagpapakita …