Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
2021 FIDE Online Olympiad Chess

PH tumapos ng second place sa Pool A action sa Division 2 ng 2021 FIDE Online Olympiad

MANILA, Philippines —Tumapos ang Philippine Chess Team ng second overall sa team competition ng prestigious Pool A action sa Division 2 ng 2021 FIDE Online Olympiad.

Giniba ni reigning National Champion Woman International Master Jan Jodilyn Fronda si Woman Fide Master Tanima Parveen matapos ang 56 moves ng Scotch Opening para pangunahan ang Philippines sa 5.5-0.5 win kontra sa Bangladesh  nung  Sabado.

Panalo din sina Grandmaster Darwin Laylo, International Master Michael Concio Jr., Jersey Marticio at Ma. Elayza Villa para matulungan ang Filipinos sa pagtatapos ng No. 2 na may 16 match points, kaparehas ng iskor ding naitala ng top notcher Indonesia na pinayuko ang Chinese-Taipei, 5-1.

Nakamit ng Indonesia ang top spot sa paglikom ng 40.5 tie n break points kontra sa runner-up place PH chess team na nag marka ng 39.5 points.

Pinasuko ni Laylo si Grandmaster Bin-Sattar Reefat matapos ang 29 moves ng Catalan Opening, winasiwas ni Concio si International Master Rahman Mohammad Fahad matapos ang 66 moves ng Queens Indian defense, binasura ni Marticio si Woman Fide Master Anjum Noshin matapos ang 30 moves ng Scotch Opening at panalo si Villa kontra kay Woman International Master Sharmin Shirin Sultana matapos ang 73 moves ng Queens Gambit Declined.

Nakatabla naman si Grandmaster Ziaur Rahman kontra kay International Master Paulo Bersamina matapos ang 30 moves ng Kings Indian defense para makaiwas ang Bangladesh sa posibleng pagkabokya.

Ang top three finishers ay aabante sa four-pool Top Division kung saan ang top two ay patungo sa two-set quarterfinals.

Si GM Eugene Torre ang coach  Ng Philippine team habang si GM Jayson Gonzales ang umakto bilang delegation head.

(MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …