Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LJ Reyes, Aki, Summer
LJ Reyes, Aki, Summer

LJ dinala ang mga anak sa NY

HATAWAN
ni Ed de Leon

NASA New York na si LJ Reyes, kasama ang kanyang dalawang anak na napilitan siyang ilayo para maiiwas ang mga bata sa mga intriga ng pakikipaghiwalay sa kanya ng partner for six years na si Paolo Contis. Masakit talaga iyon para kay LJ, dahil hindi naman pala totoong “mutual decision” ang kanilang paghihiwalay. In fact, tinanong pa niya si Paolo kung gusto pa niyong mabuo ang kanilang pamilya, o may plano pa iyong balikan sila, pero ang sagot ng actor, “hindi na.”

Noon daw nabuo ang kanyang desisyon na lumayo na para mailigtas sa kung ano-ano pang maaaring maging usapan na makaaapekto sa mga bata. Inamin niyang hindi niya nasagot, at napaiyak na lang siya nang tanungin ng anak na si Aki kung ano na ang nangyayari sa kanyang buhay. Si Aki ay anak ni LJ kay Paulo Avelino. Iyong anak naman ni Paolo na si Summer, maliit pa para maapektuhan ng usapan, pero  paano nga naman paglaki niyon at may isip na? Mahirap ang buhay sa New York. Napaka-expensive iyang lunsod na iyan. Ang isa pang dusa kung winter, parang pinupunit ang paa mo kahit na sabihin mong naka-snow boots ka na, at malapit na iyan. Naranasan namin ang hirap doon kahit sandali lang kami. Kung doon siya magsisimula ng panibagong buhay, mahirap din ang trabaho roon, lalo na at pandemic pa ngayon. Matinding adjustment din ang kailangan ng mga bata. Pero mabuti na rin iyon kaysa mga lugar na may malalaking Filipino communities, na ang tsismis sa showbiz dito ay kalat na rin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Unang Hirit

Isang linggong sorpresa inihatid ng UH

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG mga sorpresa ang hatid ng Unang Hirit para sa masayang week-long anniversary …

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong …

Rabin Angeles Angela Muji

Rabin sobrang na-challenge sa lauching movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA talaga ang Viva Entertainment dahil sa pagpasok pa lang ng 2026, heto …

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto Aquino

Rabin inamin matagal nang crush si Angela, A Werewolf Boy binago ang ending

NAKAGUGULAT ang tinuran ni Rabin Angeles nang amining bata pa man siya’y crush na niya ang ka-loveteam …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …