Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto
Julia Barretto

Julia pinakasikat na youngstar

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

SI Julia Barretto ang masasabing pinakasikat na young star kung bilang ng “likes” sa Instagram ang gagawing sukatan. 

Tuwing magpo-post siya ng solo sexy pic n’ya sa Instagram, sa loob lang ng dalawang oras pagka-post n’ya, lumalagpas agad sa 200, 000 ang bilang ng nagla-like at nag-view ng pictures n’ya. Kahit na noong panahon na parang galit ang madla sa kanya dahil sa suspetsa nilang inagaw n’ya si Gerald Anderson mula kay Bea Alonzo, ganoon ang nangyayari: pinagpipiyestahan ang sexy pic n’ya. At ‘yon ay kahit na almost flat-chested siya. 

May alindog si Julia na ‘di nagmumula sa sukat ng pisikal na dibdib n’ya. Pwedeng sabihing, ”there’s a compulsive inner seduction within her.”

Pero ma-convert kaya ang pagiging hottest young star ni Julia sa Instagram sa magiging ratings ng upcoming serye n’ya sa TV5, ang Di na Muli

Lagi kayang lumutang sa bawat eksena n’ya ang alindog n’yang very compelling sa Instagram pics kaya’t aabangan ‘yon gabi-gabi ng viewers, lalo ng kalalakihan at ng mga tomboy ang serye n’yang sa Setyembre na magsisimulang ipalabas? 

Love triangle ang istorya ng Di Na Muli. Sina Marco Gumabao at Marco Gallo ang mga leading men n’ya sa serye na ang main producer ay ang Viva Television. 

Some­time last year, lumipat si Julia ng mother studio mula sa ABS-CBN patungong Viva Artists Agency. Nagpasya siyang lumipat ng management company dahil nataon naman na umalis na sa Star Magic ng Kapuso Network si Johnny Mr. “M” Manahan na siyang nagplano ng kung paano sisikat si Julia. 

Tiyak na gusto ng Viva na mas mapatindi pa ang kasikatan ni Julia sa poder nila kaya ‘di sila nagpadalos-dalos na bigyan agad ng proyekto si Julia. Mukhang hinintay ng kompanya na matanggap ng madla ang relasyon nito kay Gerald Anderson (na nanatiling Kapamilya) bago nila bigyan ng launching project si Julia bilang major Viva Star. 

Siguro naman ‘di makaaapekto sa desisyon ng madla na ugaliin ang panonood ng ”Di Na Muli kahit na parang sinasadya nina Julia at Gerald na regular na mag-post ngayon ng mga litrato nila na magkasama. At kung matindi rin naman ang istorya ng serye sa direksiyon ni Andoy Ranay, walang dahilan para hindi subaybayan ng madla ito na nagtatampok din sa 90s loveteam nina Angelu de Leon at Bobby Andrews, bagama’t tampok din dito sina Baron Geisler, Lander Vera Perez at marami pang iba.

Si Andoy ‘yung kamakailan ay naging kontrobersiyal dahil sa pahayag n’yang ang ABS-CBN ay ‘di gumagawa ng serye na basura na gaya ng ibang network. 

Tiyak na pinagbuti ni Andoy ang paggawa ng Di Na Muli para ‘di siya maakusahan na lumikha ng basurang serye. 

Samantala si Gallo rin ang love interest ni Aubrey Caraan sa Ang Manananggal na Nahahati ang Puso, na magsisimulang mag-streaming sa October 1 sa Vivamax.

Malaking karangalan para kay Marco na siya ang napiling leading man ni Aubrey pero nakaramdam siya ng nerbiyos sa role na ipinagkatiwala sa kanya sa pelikulang kinunan ang lahat ng mga eksena sa Siquijor island.

May mga nagsasabi kay Marco na masuwerte siya dahil sunod-sunod ang projects niya ngayong taon (Gluta, Di Na Muli, at Ang Manananggal na Nahahati ang Puso), pero iba ang kanyang paniniwala.

Aniya, ”I have to confirm that after a few years if I can say that this year was the best one for me.

“I mean, I hope it stays like this, but for now, I will enjoy it!

“I’m not rich but I’m happy where I’m at, work-wise, especially my personal life. I feel like this pandemic made me a mature and better person.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …