Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Estrada, Coco Martin, FPJ's Ang Probinsyano
John Estrada, Coco Martin, FPJ's Ang Probinsyano

John balik-ABS-CBN, pasok din sa Ang Probinsyano

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

HUDYAT na wala ng season 3 ang sitcom na John En Ellen sa pagpasok ni John Estrada sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil obviously umalis na si Ellen Adarna sa programa at nagkaroon sila ng hindi magandang paghihiwalay ng mga production staff kasama na ang aktor na isa sa producer.

Nakapagsalita rin ng hindi maganda ang fiancé ni Ellen na si Derek Ramsay kay John na kaibigan niya ng pitong taon, pero heto biglang may panayam na gusto ng makipagbati ng husband to be ng aktres.

Ang dating plano ay itutuloy ang sitcom ni John pero babaguhin ang istorya pero nabago na. Totally wala ng show kaya pala maraming umaray na staff ng programa dahil nawalan na sila ng hanapbuhay.

At dahil matagal na palang pangarap ni John na mapasama sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, tinanggap na niya nang alukin siya. Oo naman sinong tatanggi, eh, sabi nga hindi magiging kompleto ang showbiz career mo kung hindi ka nag-guest sa ika-anim na taong longest running action series ng Kapamilya Network.

At kagabi, Agosto 23 ay lumabas na ang karakter ni John pero bago ito nangyari ay pumalo ng pinakamataas na live online views nang ianunsiyo ng Dreamscape Entertainment ang pagpasok ng actor sa pamamagitan ng social media nitong Lunes.

Say ni John, ”Napakasaya ko. Rito ako nagsimula sa ABS-CBN. I’m happy to be back. Blessing sa akin na bumalik sa ABS-CBN at mapasama sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.”

Kasabay ng paglabas ng karakter ni John ang siya ring labas ni Julia Montes bilang si Mara na palabang babae na makakakrus ang landas ni Cardo Dalisay (Coco) habang patuloy itong naghahanap ng lugar na mapagtataguan mula sa batas kasama ang Task Force Agila.

Sa pagtatapos ng karakter ni Jane de Leon bilang si Capt Lia Mante noong Biyernes, Agosto 20 ay nakamit ng programa ang all-time high record na 162,831 live concurrent viewers sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Kaya abangan kung ano ang karakter ni Julia sa FPJ’s Ang Probinsyano kung kaaway o kakampi siya ng Task Force Aguila.

Baka naman hired killer si Julia na pinasasakay lang sina Cardo at mga kasama niya at si John ang nasa likod ng lahat?

Kayaa bangan ang FPJ’s Ang Probinsyano mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at Iflix.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …