Wednesday , February 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Eala
UMAASA ang tennis sensation na si Alex Eala na buong lakas siyang susuportahan ng hometown crowd sa Philippine Women’s Open na magsisimula sa Lunes sa Rizal Memorial Tennis Center. (HENRY TALAN VARGAS)

Eala umaasang magsilbing bentahe ang hometown support sa Philippine Women’s Open

MANILA — Bagama’t inaasahan ang mainit na suporta ng hometown crowd, sinabi ng Pinay tennis ace na si Alex Eala na mananatili siyang nakatuon sa pagharap sa torneo nang paisa-isang laban sa kanyang pagdebut sa Philippine Women’s Open na magsisimula bukas sa Rizal Memorial Tennis Center.

“Hinding-hindi ako pumapasok sa isang torneo na iniisip agad na manalo ng titulo. Kahit na dito ito sa bansa, hindi nagbabago ang mindset ko. Laban kada laban lang. Gagawin ko ang lahat para manalo sa unang laban,” pahayag ni Eala sa isang press conference kahapon kaugnay ng WTA 125 tournament.

Bilang No. 2 seed, sisimulan ni Eala—na kasalukuyang nasa career-high world ranking na No. 49—ang kanyang kampanya laban kay Individual Neutral Athlete (INA) Alina Charaeva, na nasa ika-169 na puwesto sa mundo.

Ayon pa kay Eala, na hinirang bilang co-Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association para sa 2025, handa siya sa hamon ng kanyang unang kalaban. “Nakaharap ko na siya noon. Isa siyang mabuting tao at mahusay na manlalaro kaya maghahanda ako sa abot ng aking makakaya,” aniya.

Sa halip na makaramdam ng pressure, sinabi ni Eala na itinuturing niyang bentahe ang paglalaro sa harap ng inaasahang punong lokal na crowd. “Iyan ang espesyal sa paglalaro sa sariling bayan,” ani niya, sabay pasasalamat sa patuloy na suporta ng mga Pilipinong tennis fans.

Ang Philippine Women’s Open ang kauna-unahang malaking international women’s tennis tournament sa bansa na suportado ng Philippine Sports Commission at unang proyekto ngayong 2026 ng National Sports Tourism Inter-Agency Committee sa pamumuno ni PSC Chairman Patrick “Pato” Gregorio.

“Incredible at surreal ang pakiramdam na makita itong matuloy. Dati, parang napakalayo pa ng pangarap na ito. Ngayon, nangyayari na,” ayon kay Eala.

Hinimok din ni Eala ang publiko na suportahan ang iba pang lokal na kalahok sa main draw, kabilang sina Tennielle Madis, Kaye Ann Emana at Elizabeth Abarquez, na pawang binigyan ng wild card slots.

Sa opening round, haharap si Emana—ang UAAP Season 97 Tennis MVP—kay INA bet Tatiana Prozorova, makakalaban ni Madis ang Thai na si Mananchaya Sawankaew, habang makakatapat ni Abarquez ang Haponesang si Mai Hontama.

Samantala, umaasa ring makapasok sa main draw si Stefi Marithe Aludo matapos talunin si Angeline Alcala, 6-1, 6-0, sa qualifying round. Haharapin niya ngayong araw si Sakura Hosogi ng Japan, ang No. 1 seed ng qualifiers. (PSC ICS/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

jeep manibela

Manibela inagaw ng pasaherong lasing jeepney tumaob, 15 pasahero sugatan

SUGATAN ang 15 pasahero nang bumaliktad ang sinasakyan nilang jeepney malapit sa Ruiloba Street at …

Manila Operation Birth Right CCRO

Operation Birth Right, inilarga ng Manila LGU

MASAYANG ibinalitani Manila City Civil Registry Office (CCRO) Director Atty. Jaime Tejero, patuloy ang kanilang …

Atong Ang

Atong Ang ‘di nagtatago sa amin — Cambodian Foreign Affairs

TALIWAS ito sa naging pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary …

Renato Casauay Jr PDEA

Kaya tinodas
CASAUAY ‘MASAKIT SA MATA’

SINASABING iisa ang pinatutunguhang dahilan ng extrajudicial confession ng mga suspek sa pagpatay kay P/Ssg. …

Sigarilyo Yosi

P80-M yosing ilegal nasamsam sa Oplan Grasshopper

HINDI bababa sa P80-milyong halaga ng ilegal na sigarilyo ang nakompiska ng mga awtoridad sa …