Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Manzano G-Mix Nation Ginebra San Miguel 
Luis Manzano G-Mix Nation Ginebra San Miguel 

Luis at GSM nag-collab para sa 1st online mixology series

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISANG masaya at naiibang collab sa YouTube ang inilunsad kamakailan ng Ginebra San Miguel at ni Luis Manzano, ito ang G-Mix Nation, ang pinakaunang online mixology series ng GSM na layuning magturo sa mga manonood ng bartending o paggawa ng cocktails o mixed drinks kahit sa kanilang mga tahanan at para mas lalong maiangat ang pagtingin sa art ng cocktail mixing. 

Hindi na bago kay Luis ang bartending dahil ito ay nagtapos ng Hotel and Restaurant Management sa College of St. Benilde. “There’s  magical about being a bartender. When you’re out with friends and someone’s mixing a drink, you can’t help but look. Ibinalik ako ng G Mix Nation sa mga panahon ng bartending class ko noong ako ay estudyante sa kolehiyo,” ani Luis. 

Nang mag-umpisa ang COVID-19 pandemic noong isang taon, maraming mga Filipino ang nag-umpisa ng mga bagong libangan tulad ng pagluluto, baking, at pagiging plantito at plantita. Para kay Luis, ang cocktail mixing ang isa pang libangang pwedeng gawin ng mga Pinoy lalo na ang gin na paboritong inumin. 

“Ako na ang nagsasabi sa inyo na mae-enjoy niyo ang panonood ng G-Mix Nation. Noong bago mag-pandemic, madalas umoorder lang tayo pero hindi natin napapansin ang hirap at ang talento ng bartender sa paggawa ng cocktails. G-Mix Nation is one big learning experience where you get to appreciate the art of cocktail making and learn a new skill,” sambit pa ni Luis.

Kasama ni Luis sa G-Mix Nation online mixology series sa YouTube ang ilan sa mga sikat na online influencers pati na rin ang ilan sa mga sikat na celebrities tulad ng aktres at GSM Blue brand ambassador na si Sue Ramirez at ang dating Barangay Ginebra San Miguel player, Jayjay Helterbrand

Ngayong nauuso ang “home bar” lalo na at limitado pa rin ang dine-in, naglabas din ang Ginebra San Miguel ng G-Mix Nation Home Bar Kit, ang ultimate survival e-numan kit na may kasamang cocktail shaker, stirrer, jigger, cocktail recipes, at tig-iisang bote ng Kuwatro Kantos, GSM Blue Light Gin, at GSM Premium Gin. Ang G-Mix Nation Home Bar Kit ay mabibili sa mga piling supermarkets nationwide at sa online store na LazMart.

I-like at mag-subscribe sa G-Mix Nation YouTube channel para mapanood ang pinakabagong episodes tuwing Biyernes. https://www.youtube.com/channel/UC4qXo8DFx90sZ0p872f09DQ

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …