Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

11 PCOO employees patay sa Covid-19

ni ROSE NOVENARIO

UMABOT na sa labing-isang kawani ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at attached agencies nito ang nasawi dahil sa CoVid-19.

Nabatid ito sa update na ibinahagi ni PCOO Assistant Secretary JV Arcena sa media kahpon.

Batay sa datos ng PCOO, naitala na 535 opisyal at kawani ng PCOO ang dinapuan ng Covid-19, kasama rito si Secretary Martin Anda­nar, mula ideklara ang pandemya sa bansa noong Marso 2020.

Sa 535, inulat ni Arcena na 18 ang active cases, 11 ang nasawi at 506 ang gumaling.

Ang People’s Television Network (PTV-4) ang may nanguna sa may pinakamaraming CoVid-19 cases na may kabuuang 137, ang PCOO Proper na may 97, ang National Printing Office (NPO) na may 70,ang APO Production Unit na may 60,  Radio Television Malacanang (RTVM) na may 47, ang Bureau of Broadcast Service (BBS) na may 38, ang News and Information Bureau (NIB) na may 34, ang Philippine Information Agency (PIA) na may 26, ang IBC-13 na may 17, at Bureau of Communication Service (BCS) na may pito.

Hindi kasama sa report ang bilang ng mga empleyado na nabaku­nahan ng CoVid-19 at ano ang tulong ng PCOO sa mga kawani na tinamaan ng virus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …