Tuesday , November 5 2024
Sarah Javier
Sarah Javier

Sarah Javier napapanahon ang single, pasok sa Mrs. Universe Philippines 2021

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Sarah Javier sa naggagandahang ginang ng tahanan nakalahok sa Mrs. Universe Philippines 2021. Siya ang kinatawan ng Cavite at kabilang sa 18 delegates from different cities and provinces ng naturang beauty pageant na gaganapin sa Okada Manila ngayong September 4.

Ang singer/actress/beauty queen, at business woman na si Ms. Charo Laude ang National Director ng Mrs. Universe Philippines 2021.

Bilang kandidata ng Mrs. Universe, ipinahayag ni Sarah na excited na siya lalo’t sa South Korea ipadadala ang mananalo rito.

Esplika ni Ms. Sarah, “Opo, super-excited po ako, kung ako man ang palarin po na manalo, nakaka-excite pong makita ang Korea lalo’t gusto ko po ang food nila at mga teleserye rin po nila.”

Ayon pa kay Ms. Sarah, bago raw ito sa kanya dahil sa showbiz, mula sa That’s Entertaiment ni German Moreno, sa acting at singing ang tinahak ng kanyang career.

Kabilang daw sa paghahanda niya sa naturang beauty pageant ay ang tamang paglalakad, ang kanyang advocacy, at pati na pagda-diet.

Paano niya inaalagaan ang kanyang figure?

Aniya, “Sa pagpapanatili lang po tito ng healthy food po, iyong ‘di po kumakain nang sobra sa kailangan po ng katawan. At lalo po iyong makakasama po sa kalusugan natin.”

Sa gitna ng tumataas na Covid-19 cases, may mensahe ba siya sa mga ayaw magpabakuna?

Paliwanag niya, “Ang aking mensahe po tito… naiintindihan ko po na ilan po sa atin ay natatakot at may pag-aalinlangan, nauunawaan ko po iyon. Pero nais ko lang po na sabihin na sana po ay pag-ingatan po natin, hindi lang ang sarili po natin, ngunit lalo na ang mga mahal natin sa buhay.

“Kaya sana po ay ipagdasal natin na ang bakuna na ginawa po para sa atin ay makatulong sa ating katawan bilang proteksiyon. Lahat po ng pinagdaraanan now ng mundo natin ay isang pagsubok lamang, lilipas din po ito sapagkat hindi po tayo pababayaan ng ating Panginoon. God bless you all po.”

Si Sarah ay kabilang sa Monday group That’s Entertainment, batch 1994 kasama sina Mayor Isko Moreno, Harlene Bautista, Melissa Gibs, Glydel Mercado, Charo Laude, Isabel Granada, Ruben Manahan, at  iba pa.

Nakagawa na siya ng pelikula, teleserye, at isa rin siyang recording artist. Ang latest single niya titled Ihip ng Hangin ay siya mismo ang nag-compose.

“Ako po mismo ang nag-compose ng Ihip Ng Hangin at ang musical arranger ko po ay si Mr. Elmer. Blancaflor.

“Ang kantang ito ay hango po sa pandemya natin ngayon. Na mula po noon na nagsisimula pa lang ang pandemic, ang daming nabigla, maraming hindi po handa. Maraming tao po na bago pa man dumating ang krisis na ito ay hirap na sa buhay, na lalong dumoble buhat po nang nagka-lockdown.

“Maraming nawalan ng trabaho, marami pong apektado, kaya po ang kantang iyon ay patuloy sa pagdalangin na araw-araw tayong manalangin na ang hirap ng buhay ngayon ay parang isang hangin na dadaloy lang at lilipas din, basta manalig ka lang na may Panginoon na handang dumamay at tulungan ka,” mahabang esplika pa ni Ms. Sarah.

About Nonie Nicasio

Check Also

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *