Friday , November 22 2024
Jessy Mendiola Luis Manzano
Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis excited nang magka-baby; May naisip na ring pangalan   

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TILA excited na si Luis Manzano na magkaroon sila ng baby ni Jessy Mendiola. Bakit naman hindi eh ilang buwan na rin naman mula noong ikinasal sila ni Jessy, February 2021, kaya hindi imposibleng ito na ang kasunod.

Bilang patunay nga naikuwento ni Luis na mahilig sila sa bata. ”We love kids. When we see cute kids on social media, we send each other the pictures and videos of laughing babies to crying babies. Wallpaper niya right now sa kanyang phone is what we believe our child would look like,” ani Luis sabay buong pagmamalaking ipinakita ang cute na cute na photo ng isang batang babae. 

May napagkasunduan na rin silang ipapangalan dito—Emma o Ocean kung babae at Luke kung lalaki. ”When we hear the name Emma, naiisip namin ‘yung Tisay na naka-pigtails tapos ang pula-pula ng cheeks. Ocean naman because we love the ocean. We’re divers, we want to eventually live by the sea… ‘Yung pangalang Luke, it’s a bit of a play on Lucky [my nickname] and also a bit of a ‘Star Wars’ thing.”

Pero maghihintay pa si Luis na matapos ang pandemya bago mangyari ito.  Kasama ito sa listahan ng mga unang bagay na gagawin niya post-pandemic. ”I would spend time with my family. Siguro sit down, have a maskless meal, hug everyone, my mom, my dad, and create the little angel.”

Masayang-masaya si Luis sa buhay may asawa. Bagay na muntik nang hindi mangyari. Napabalita kasi noon na naghiwalay sila ni Jessy at kinompirma nila ito sa vlog ng huli. Nangyari ang hiwalayan bago ang kanilang engagement noong 2020.

“Siguro we were getting on each other’s nerves noong pandemic. Umabot sa point na we would constantly fight. Then we realize it’s the stress getting to us. Eventually, we found each other again at kung ano ‘yung kina-in love-an namin sa isa’t isa.”

Ikinasal sina Luis at Jessy sa isang intimate ceremony noong February 21 sa The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas. 

Sakali kayang may pagkakaiba kung ikinasal sila sa panahong hindi pandemic? ”I think with how happy we are right now, I wouldn’t want to consider anything else,” ani Luis.

Samantala, katatapos lang ni Luis gawin ang I Can See Your Voice at  ang Your Face Sounds Familiar. Sa ngayon nakatutok muna ito sa pagbuo ng mga konsepto para sa kanyang YouTube channel na  LuckyTV. Mayroon din siyang inaasikasong ilang negosyo na kabilang sa essentials tulad ng transport taxi at gasolinahan.

Higit sa lahat, may bagong role si Luis sa ilalim ng nangungunang health care company sa bansa, ang Unilab. Ito ay ang pagiging health advocate para sa leading flu medicine, ang Bioflu. ”Kapag may trangkaso ako, ramdam ko ang lahat ng sintomas – lagnat, sakit ng katawan, ubo’t sipon. It is so hard for me to function when I have the flu, as in talagang bed rest, bagsak,” paglalarawan ni Luis.

Nagkuwento ito ng isang pangyayari na natulungan siyang bumangon at makapagtrabaho matapos uminom ng gamot. ”It was the grand finals of a reality show on TV and I was the main host. The night before that, tinamaan ako ng trangkaso. That’s when I turned to Bioflu para the next day, tanggal lahat ng flu symptoms and I get to be me. I get to be at my optimum.”

Bukod kay Luis, marami ang nagtitiwala sa Bioflu para makabangon mula sa trangkaso. ”We have to admit, there are some na if they don’t go to work, they don’t get paid. Kumbaga, they are very reliant on their income for that particular day, especially at this time na marami ng nawalan ng trabaho o naging unstable ang kanilang pinagkakakitaan. That’s why a lot of people fall back on a trusted brand like Bioflu to be able to get back on their feet and to be able to do what they need to do for themselves and their family. At doon ko rin nakita ang value ko bilang isang brand ambassador ng isang produktong katulad ng Bioflu. I am representing a product na talagang makatutulong sa mga taong bumangon, lalo na sa panahon ngayon.”

Batid ni Luis kung gaano kaimportante and pagbangon sa lahat ng bagay, hindi lamang sa sakit kundi pati na rin sa hamon ng buhay. Tulad na lang ng hindi nila pagsuko sa isa’t isa ni Jessy na ngayon ay asawa na niya. Maaaring kailangang maghintay pa muna bago nila maisakatuparan ang pangarap na baby pero pansamantala, masaya si Luis sa kanyang bagong pamilya, ang Unilab, at sa bagong role na kanyang gagampaman.

Dagdag pa ni Luis, ”If life in general was predictable, if everything were laid out for you, it wouldn’t be really worth living. Para sa akin, it adds a bit of spice to life, a bit of challenge, but in general you get to appreciate it even more because of the curveballs.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *