Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Glaiza nanibago sa taping

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MASAYANG ibinahagi ng isa sa lead stars ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha na si Glaiza de Castro ang ilan sa mga larawan at videos na kuha mula sa last taping day ng kanilang serye.

Kapansin-pansin sa behind-the-scene photos at videos na ipinost ng aktres sa kanyang Instagram ang closeness at masayang bonding na nabuo hindi lang ng cast kundi pati na rin ng production team ng Nagbabagang Luha.

Ani Glaiza sa kanyang caption, ”Last day taping ganap. First show na natapos ko during pandemic. Medyo nakakapanibago, pero sobrang saya na I was able to work with such amazing people. From actors to production team and resort staff, ang gaan ng pakiramdam. Maraming maraming salamat sa tawa at pagdamay sa mga iyak. Hanggang sa muli!”

Mas na-excite pa ang fans ng aktres nang ibahagi nitong mapapanood na ang Nagbabagang Luha sa August 2 sa GMA Afternoon Prime block.

Gagampanan ni Glaiza sa serye ang karakter ni Maita, ang responsible at mapagmahal na kapatid ni Cielo na bibigyang-buhay naman ni Claire Castro. Makakasama rin nila sina Rayver Cruz, Mike Tan, Myrtle Sarrosa, Karenina Haniel, Royce Cabrera, at Ms Gina Alajar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …