Thursday , December 26 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Taklesa at burarang spokesperson ‘laging nahuhuli sa sariling bibig’

BULABUGIN
ni Jerry Yap
HINDI na nakaahon sa burarang pagpapahayag si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary Celine Pialago.
 
Sa isang okasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na naka-live-stream sa Facebook noong 5 Hulyo 2021, tahasang sinabi ni Ms. Pialago na ang pagdalo o paglahok sa mga rally o demostrasyon ay ini-require sa kanila at may dagdag na puntos o grado, noong siya umano ay nag-aaral sa kolehiyo.
 
Si Ms. Pialago, ay kasalukuyang spokesperson ng NTF-ELCAC Youth Affairs, kaya maraming netizens ang nagduda sa kanyang pahayag.
 
Aniya, graduate umano siya ng degree in AB Communication sa Miriam College.
 
“I have to admit noong mga panahon po na ‘yun, ang pagsali ho sa mga rally, very present din po ako diyan. Honestly speaking po kasi, ‘pag estudyante ka, ang pagsali kasi sa rally, minsan, dagdag points ‘yun sa klase. Totoo, totoo. Kasama ‘yun sa requirement.”
 
‘Yan ang pahayag ni Ms. Pialago.
 
Aniya, ang unang rally na pinuntahan niya ay tungkol kay Jun Lozada, ang whistleblower ng umano’y maanomalyang NBN-ZTE deal, na convicted sa kasong graft noong 2016.
 
At kahit sumasama umano siya sa rally, wala siyang nasalihan na kahit anong leftist organization.
 
Dahil sa nasabing pahayag, inulan na naman ng ‘bashing’ si Ms. Pialago.
 
Marami sa bashers ay alumni ng Miriam College, kung saan nag-aral si Ms. Pialago.
 
Wala umanong ganoon sa Miriam at hindi nila
natatandaan na may requirements na sumali sa rally para madagdagan ang point o grado.
 
“I am a graduate of Miriam College, and I was never made to attend a rally to earn merit. What advocacies we have and what we stand for are learned through comprehensive lessons applied to real-world situations, not shoved down our throats by professors. Shame on you, Celine.”
 
Pahayag ‘yan ng isang Twitter user.
 
‘Yung isa pa ang sabi naman: “Nakakahiya ka. I’m also an [alumna] of Miriam College. I also joined rallies but they were never a requirement. They were of free will and in what we believed in.”
 
Sinundan pa iyan ng marami pa, hindi lamang mula sa alumni ng Miriam College kundi maging sa ibang kolehiyo.
 
Hindi natin alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ni Ms. Pialago para magsalita ng mga ganitong pahayag.
 
Hinamon tuloy siya ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite: “Name that professor who promised you ‘dagdag [additional] points’ to join a rally. ‘Wag mong sabihin that she already ‘passed away’ ha.”
 
Magugunitang ang pariralang “passed away” ang ginamit na deskripsiyon ni Ms. Pialago hinggil sa kanyang fellow Miss Earth beauty pageant contestant na hinimatay pero “passed away” ang ginamit na term imbes “passed out.”
 
Kaya maitatanong natin, pinag-iisipan ba niya ang kanyang mga sinasabi? Hindi pa ba siya nadala noong 2014?
 
Sa totoo lang, malaki ang suweldong natatanggap ni Ms. Pialago at ng mga katropa sa gobyerno. Masyadong nalulugi ang mga taxpayer
 
Imbes magserbisyo nang tama sa bayan, nilalait pa ang mamamayan sa pamamagitan ng kasinungalingan.
 
Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *