Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Guimary Park Chanyeol

Kaka ni Sunshine tinalbugan ang The Box ni Park Chan-yeol

(ni DANNY VIBAS)

May reputasyon ang baguhang si Sunshine Guimary na hubad kung hubad at sex kung sex. At ‘yon marahil ang dahilan kung bakit ang Kaka n’ya sa Viva Max ay natalbugan sa viewership ang The Box ni Park Chan-yeol na miyembro ng K-pop band na EXO. Sa Viva Max din ipinalabas ang The Box. 

Tungkol sa struggling pero mahusay na singer ang kuwento ng The Box. Takot ang singer na mag-perform sa harap ng mga tao kaya kumakanta siya sa loob ng empty refrigerator box.

Marami nga siguro tayong mga kababayan ang buryong na buryong na sa pagkakakulong sa bahay kaya patol nang patol sa ano mang pelikulang may umaatikabong sex. ‘Di kaya sila nanghihina sa libangan nilang ito?

Pero matinding pelikula rin siguro ang The Box dahil pumangalawa pa ito sa sex movie ni Sunshine gayung inspirational daw ang The Box at walang sex.

Sa direksiyon ni Darryl Yap ang Kaka. Si Darryl na yata ang pinakaabalang direktor ng pelikula sa bansa. Parang neck-and-neck ang labanan nila ng senior citizen nang si Joel Lamangan.

Sa July ay ipalalabas na rin ang Gluta ni Direk Darryl na tungkol naman sa mga Aeta. Kaunti lang siguro ang sex sa pelikula, dahil ang pinakakuwento nito ay tungkol sa isang Aeta na ang pinakamatinding pangarap ay maging beauty queen. Ang dating child actress na si Ella Cruz ang gumaganap sa babaeng ‘yon. Siyempre pa, kinulapulan muna siya ng black make-up sa panahong nasa bundok pa ang Aeta na ginagampanan n’ya.

As usual sa mga pelikula ni Darryl, may mga netizen na naman na ngitngit na ngitngit sa Gluta kahit ‘di pa nila ito napapanood. Malamang daw na pang-aalipusta sa mga kababayan nating Aeta ang pelikula ni Darryl.

Alam n’yo bang kung may direktor na makakakilala nang husto sa mga Aeta, ‘yon ay walang iba kundi si Darryl. Tubo at laking Olongapo si Darryl at sa Zambales may pinakamaraming Aeta. At marami sa kanila ang madalas bumaba sa Olongapo at may ilan sa kanila na sa syudad na ‘yon na rin naninirahan. Hindi naman siguro sisiraan ni Darryl ang maituturing na mga kasyudad na rin n’ya.

Nasa cast din ng Gluta sina Marco Gallo, Rose Van Ginkel, Juliana Parizcova Segovia, Jobelyn Marie Manuel, Loren Montemayor Marinas, Arlene Muhlach, at Cristina Gonzalez.

(DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …