Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla nakaiintriga ang role sa #MPK 

TUNGHAYAN sa Sabado (May 22) si Carla Abellana sa nakaiintriga ngunit tunay na kuwento ng isang ginang na ibinenta ang mister sa Magpakailanman.

Dahil maagang nagpakasal, itinakwil sina Precy (Carla) at Anthony (Rafael Rosell) ng kanilang pamilya. Kahit na dumanas ng hirap, naitaguyod nila nang maayos ang kanilang pamilya. Nang makilala ng mag-asawa si Rochelle (Katrina Halili) ay naging maginhawa ang kanilang buhay.

Naging malapit ang loob ni Anthony kay Rochelle hanggang sa natuklasan ni Precy na may relasyon na pala ang dalawa. Humingi naman ng tawad si Anthony kay Precy at nangakong magbabago na.

Dahil sa sobrang kagipitan at wala nang iba pang matakbuhan, lumapit na si Precy kay Rochelle para mangutang. Pero paano kung ang hinihinging kapalit kay Precy ni Rochelle ay ang bilhin si Anthony?

Sa ilalim ng direksiyon ni LA Madridejos, abangan ang natatanging pagganap ni Carla sa  Magpakailanman  episode na pinamagatang  Husband For Sale, ngayong Sabado, 8:00 p.m., sa GMA. 

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …