HANGGANG top 21 lang umabot si Rabiya Mateo, ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2020.
Kasama ni Rabiya na nakapasok sa Top 21 sina Laura Olascuaga (Colombia), Janick Maceta del Castillo (Peru), Maria Thattil (Australia), Amandine Petit(France), Thuzar Wint Lwin (Myanmar na nanalong Best In National Costume), Miqueal-Symone Williams (Jamaica), Andrea Meza (Mexico), Kimberly Jimenez (Dominican Republic), Asya Branch (United States), Ayu Maulida (Indonesia), Alina Luz Akselrad (Argentina), Adline Castelino (India), Chantal Wiertz (Curaçao), Estefania Soto (Puerto Rico), Julia Gama (Brazil), Jeanette Akua (Great Britain), Ana Marcelo (Nicaragua), Amanda Obdam (Thailand), Ivonne Cerdas (Costa Rica), at Nguyen Tran Khanh Van (Vietnam).
Kahit halatang itinodo ni Rabiya ang powers niya sa pagrampa sa swimsuit competition pagkatapos na isa siya sa tawaging top 21 semifinalist, hindi na siya kabilang sa pinalad na mapabilang sa top 10.
Pasok sa Top 10 ang mga kinatawan ng Jamaica, Dominican Republic, India, Peru, Australia, Puerto Rico, Thailand, Costa Rica, Mexico, at Brazil.
Sa Evening Gown Competition naman pinili ang Top 5 at nakapasok ang mga kandidata mula sa Mexico, India, Brazil, Dominican Republic, at Peru.
Sa huli, ang kinoronahan ni Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi ng South Africa bilang Miss Universe 2020 ay si Miss Mexico; first runner-up naman ang Brazil, second runner-up ang Peru, third runner-up ang India, at fourth runner-up ang Dominican Republic.
Ang 69th Miss Universe ay ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida na ang hosts ng grand coronation ay sina Mario Lopez at Miss Universe 2012 Olivia Culpo.
“Girl power” ang mga hurado dahil puro babae ang mga naatasan na humusga at kumilatis sa ganda, kakayahan, at talino ng 74 candidates mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sila ay sina Miss Universe 1997 Brook Lee ng USA, Miss Universe 2006 Zuleyka Rivera ng Puerto Rico, Korean-American actress/singer/model Arden Cho, South Asian entrepreneur Deepica Mutyala, Canadian TV personality Keltie Knight, Carnival Cruise Line president Christine Duffy, Colombian economist Tatyana Orozco, at Mary Kay Cosmetics’ chief marketing officer Sheryl Adkins-Green.
Rated R
ni Rommel Gonzales