Thursday , December 26 2024

Rep. Cayetano, namigay ng 10K ayuda sa 200 benepisaryo nitong Labor Day (Kaalyado ng BTS sa Kongreso)

NAMAHAGI ng P10,000 cash assistance si dating House Speaker Alan Peter Cayetano at kanyang mga kaalyado sa Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) sa Kongreso sa mahigit 200 benepisaryo sa buong bansa nitong nakaraang 1 May, bilang bahagi ng kampanya na isulong ang pagpasa ng 10K Ayuda Bill kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Manggagawa.

Bunsod ng layunin na maabot ang mahihirap at ibang sektor na apektado ng pandemya, nagsagawa ng live virtual event si Cayetano at ang BTS movement na tinawag na “Sampung Libong Pag-asa” na namigay ng cash assistance sa 200 benepisaryo mula sa 13 iba’t ibang lugar sa Filipinas.

Ang mga lugar na sakop ng Sampung Libong Pag-asa event ay Batangas, Bulacan, Cavite, Camarines Sur, Caloocan City, Marikina City, Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City, Pateros, Sta. Rosa City sa Laguna, Antipolo City sa Rizal, at Ormoc City sa Leyte.

“Mga tunay na tao ito na tunay ang problema, na bago magkaroon ng pandemya ay hirap na at ngayon ay hirap na hirap. Ilan lang ang [nabigyan] today, at bagama’t maraming nai-inspire na gusto rin tumulong, kailangan pa rin talaga natin itong batas na ito para lahat mabigyan,” wika ni Cayetano sa idinaos na programa.

“Hopefully, itong gagawin natin today, in the spirit of bayanihan through private sponsors and donors, ma-encourage ang Congress ‘pag open ng May 17 na ‘yung 10K Ayuda Bill at Bayanihan 3 ay itulak naman at ipasa na,” dagdag ni Cayetano.

Sinamahan si Cayetano nina Taguig 2nd District Maria Laarni “Lani” Cayetano; Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu; Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice; Barangay Captain Ziff Ancheta of Tumana, Marikina City; Bulacan 1st District Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado; Mandaluyong City Lone District Rep. Neptali Gonzales II; Cavite Reps. Francis Gerald Abaya, Luis Ferrer IV, Elpidio Barzaga, Jr., at Abraham Tolentino; Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez; Antipolo City 1st District Rep. Roberto Puno; Anakalusugan Rep. Michael Defensor; Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund Villafuerte, Jr.; at Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez.

“Sa hirap ng buhay ngayon, dapat lahat tayo ‘wag mawalan ng pag-asa [at] dapat maging inspirasyon sa ating mga kababayan,” saad ni Rep. Villafuerte, na tumayong co-host sa nasabing programa.

“Kami naman sa Kongreso, kasama si Congressman Alan Peter, kasama na tumutulak na sana maging totoo ito sa lalong madaling panahon, itong P10,000 itinutulak namin,” aniya.

“Napakalaking tulong na po ng natanggap kong P10,000. Hindi na po ako mangungutang ng puhunan para makapagtinda,” ayon kay Merly Agot Nolan, isa sa mga benepisaryo sa Sta. Rosa City, na dumalo sa programa.

“Wala na pong mas masarap sa pakiramdam kapag nakikita ko pong natutulungan po tayong mga Filipino, at sobra-sobra po akong natutuwa sa nakikita kong pagtutulungan ng bawat Filipino,” dagdag pa Nolan.

Para kay Lorna Javierto, ang P10,000 cash assistance mula kay Cayetano at sa kanyang mga kaalyado ay malaking tulong para tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya at sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

“Malaking tulong po sa akin ito dahil ako lang po ang naghahanapbuhay. Masusustentohan ko na po ang pamilya ko at ang mga anak ko sa kanilang pag-aaral,” pahayag ni Javierto.

Ang Sampung Libong Pag-asa event ay alinsunod sa isinusulong ni Cayetano na 10K Ayuda Bill, na ang bawat pamilyang Filipino ay makatatanggap ng one-time cash assistance na P10,000 o P1,500 per family member, kung ano man ang mas mataas.

Sa isa sa kanyang mga panayam, sinabi ni Cayetano, nagsimula na silang mamahagi ng P10,000 cash assistance noon pang February habang inaantabayanan ang pagpasa ng proposed 10K Ayuda Bill dahil ang buhay ng mga tao ay hindi kailangan pinaghihintay.

May kabuuang 38 benepisaryo ang nakatanggap ng P10,000 cash assistance mula kay Cayetano at kanyang kapwa mambabatas simula pa noong Pebrero at Abril ngayong taon.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *