Monday , December 23 2024
Cigarette yosi sigarilyo

5 trike driver timbog sa ilegal na sideline (Pekeng yosi ibinebenta)

NADAKIP ng mga awtoridad nitong Linggo, 11 Abril, ang limang lalaking nagbebenta ng mga ilegal at pekeng sigarilyo sa mga sari-sari store sa bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT), sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Capt. Demosthenes Desiderio, Jr., hepe ng DRT Municipal Police Station (MPS) kay Bulacan Police Director P/Col. Lawrence Cajipe, kinilala ang ang limang suspek na sina Marlon Feliciano, Mark del Rosario, Anthony Lazaro, Reymart Libunao, at Arjay Lazaro, pawang tricycle drivers at mga residente sa bayan ng San Miguel, sa nabanggit na lalawigan.

Nasabat ang mga suspek habang lulan ng kanilang mga ipinapa­sadang tricycle at huli sa aktong nagbebenta sa maliliit na tindahan sa Brgy. Sapang Bulak, DRT ng mga pekeng sigarilyo mula sa Thailand.

Tumambad sa mga pulis ang kahon-kahong mga peke o ‘Class A’ na sigarilyo at maging unbranded at unregistered na aabutin sa halagang P100,000.

Nang hingan ng dokumentong magpa­pa­tunay na sila ay awtorisadong magbenta ng mga naturang sigarilyo, walang maipakita ang mga suspek kaya sila ay dinakip at inilagay sa kustodiya ng himpilan ng DRT MPS.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003, at RA 9372  (The Consumer Act).

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *