Thursday , January 9 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Epal na DILG official kay aga-agang namomolitika

NAGPUPUPUTAK sagad sa panggagalaiti si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing II sa mga napaulat na nauna pang magpabakuna kaysa healthcare workers na frontliners ang ilang local government officials (LGUs) sa pakikipaglaban sa CoVid-19.

Show cause order agad ang bitaw ni Densing sa mga mayor at iba pang local officials gaya ng nangyari sa aktor na si Mark Anthony Fernandez sa ParanÞaque City. Dapat daw sinusunod ng mga mayor ang priority list na itinakda ng Department of Health (DOH) bago inuna ang kanilang mga sarili at mga taong malalapit sa kanila.

Kasama sa pinananagot ni Densing sa order na kanyang nai-summon ay si ParanÞaque Mayor Edwin Olivares upang harapin ang posibleng administrative case na ihahain laban sa punong lungsod.

Dahil ang alkalde raw ang pumayag para mabakunahan si Fernandez at dalawa pang residente na wala sa priority list. Command responsibility ang punto ng DILG official.

Sa kabila nito, naglabas ng pahayag ang Parañaque City Health Office na wala silang nilabag nang bakunahan nila si Fernandez. Lalong lalo na si Mayor Olivares na di ‘naman nagpabakuna.

Ayon kay Dra. Olga Virtucio, City Health Officer, matapos nilang bakunahan ang lahat ng kanilang healthcare workers na nagparehistro para magpabakuna, sinimulan nila ang mga kasunod sa listahan gaya ng senior citizens, mayroong comorbidities, at persons with disabilities (PWDs).

Paliwanag ni Dra. Virtucio, kabilang ang aktor sa mayroong comorbidity dahil dumaan sa mga pagsusuri bago naaprobahan at isinama sa quick substitution list (QSL) na iniatas din ng DOH.

Nabakunahan umano ang aktor dahil mayroong hindi nakapasa sa kanilang final list. Nakahandang humarap sa DILG ang LGU officials kung kinakailangan ang kanilang paliwanag.

Iba naman ang nakikita natin dito.

Kung ating matatandaan, si Densing ay nakalaban at tinalo ni Mayor Olivares sa pagka-congressman ng ParanÞaque City noong 2010 elections.

Ginamit ng ‘epal’ na DILG official bilang ‘platform’ si Fernandez upang sirain si Mayor Olivares na hindi naman nagpabakuna. Gayon pa man, ang aktor na mismo ang nagsabi sa mga interview na kasama siya sa mga kasunod sa listahan.

At ano itong balitang balak daw tumakbong senador nitong ‘kudakuderong’ DILG official?

Bilang Usec for operations, sa loob lamang ng ahensiya dapat nakikialam itong si Densing pero sinasagasaan niya ang mga kasamahan lalo ang Usec for local government.

Encroachment na ‘yan, ‘Mr. Senator Wannabe,’ sir!

Hindi kaya pamomolitika na ‘yan Usec. Densing para sa darating na halalan?

Halata naman ‘atang masyado.

Kahit nga sa iba pang mayor na idinadawit ni Usec ay mukhang hindi rin tatayo ang asuntong administrative charges na kanyang sinasabi. Halatang umeepal lang siya.

Bakit ‘ka n’yo? Itong sagot na lamang ni Mayor Noel Rosal ng Legazpi City sa Bicol ay mismong babasag sa pang-eepal ni Usec. Densing.

Sabi ng alkalde, ang kanyang pangalan ay kasali pagkatapos ng listahan ng kanilang healthcare workers at kinompirma ito ng DOH Director na naroon sa kanilang lugar, kaya siya ay nagpabakuna matapos ang healthcare workers.

So, ano ang nilabag doon? E nagbunga pa nga ito ng 89 porsiyento ng mga residenteng biglang nagsipayag na mabakunahan nang malaman na siya ay nagpabakuna na.

Ganoon din si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at iba pang mayor sa kabisayaan na pinananagot ni Densing, lahat sila iisa ang dahilan. Hindi para sila ay mauna kaysa kanilang healthcare workers o mga nasasakupan, kundi maipakita sa mga tao na makabubuti ang pagpapabakuna dahil proteksiyon ito lalong lalo ng mga may edad na, gaya rin nila.

O ‘di ba’t makabuluhan ang kanilang mga dahilan? Huwag na kasing umepal at gamitin pa ang programa ng pamahalaan sa pagbabakuna para lamang sa pansariling agenda.

Gets mo Usec?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang …

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *