Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tom nanginig ang tuhod nang mag-propose kay Carla

MAHALAGA ang number 18 para kina Carla Abellana at Tom Rodriguez. ‘Yun ang number ng araw na naging boyfriend and girlfriend sila seven years ago.

Kaya naman sa engagement na inayos ni Tom para kay Carla, ‘yung date sa araw na number 18 ang pinili niya.

‘Yun nga lang, sa araw ng proposal, inamin ni Tom sa virtual interview nila ni Carla, nanginginig ang tuhod niya at may feeling na baka sumagot ng no ang fiance.

“Kinakabahan ako kaya nanginginig ang tuhod ko that day. Pumasok sa isip ko ‘yun (pagtanggi) pero thank God, hindi naman! Hehehe!” pahayag ni Tom.

Sa engagement na ‘yon, nailigaw ni Tom ang girlfriend na madalas mabuking ang mga sorpresa sa kanya.

Sa totoo lang, hindi love at first sight ang love story nina Tom at Carla. Una silang nagsama sa My Husband’s Lover with Dennis Trillo pero co-worker lang sila.

Nagkaroon ng show ang dalawa sa US pero wala pang serious involvement. Nang magsama sa movie at nagkasama uli sa GMA series na My Destiny, doon na nagkaroon ng spark sa kanila.

“Love at second glance siguro! Ha! Ha! Ha!” rason ni Tom.

Wala pang sinabi kung kailan ang church wedding dahil ayon kay Carla, strict ang regulasyon ngayong pandemic.

“We’ll see. Mahirap sa ngayon and we’ll really, really plan everything ‘pag maayos na ang lahat,” saad ni Carla.

Congratulations, Carla and Tom!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …