Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cebu Pacific plane CebPac

1,500 pasahero mula international flights itinakda kada araw (Sa CebuPac)

UPANG maiwasan ang pagkalat ng mga bagong variant ng CoVid-19 sa Filipinas, ipinatupad ng gobyerno na limitahan ang pagdating ng mga pasahero mula sa international flights sa bilang na 1,500 kada araw simula ngayong 18 Marso hanggang 18 Abril.

Bilang pagsunod sa pinakahuling resolu­syon, kinansela ng Cebu Pacific ang mga sumusunod na flights mula 18 Marso hanggang 18 Marso 2021: Manila – Narita (Tokyo) – Manila at Manila – Nagoya – Manila

Makikipag-ugnayan ang Cebu Pacific sa mga apektadong pasahero sa pamamagitan ng mga detalyeng kanilang inilagay sa pag-book ng kanilang flight.

Maaaring i-manage ng mga pasahero ng kansela­dong flights sa kanilang booking sa Manage Booking portal sa website ng Cebu Pacific (http://bit.ly/CEBmanageflight) sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng kanilang pag-alis.

Rebook: Maaring mag-rebook sa loob ng 90 araw nang walang karag­dagang bayad.

Travel Fund: Maaaring ilagay sa isang virtual wallet na maaaring gamitin sa loob ng dalawang taon bilang pambayad sa bagong flight o sa mga add-ons sa flight.

Refund: Maaari rin i-refund ang binayaran ng pasahero para sa kanyang flight ngunit maaaring magtagal ito hanggang pitong buwan dahil hindi inaasahang malaking bilang ng mga refund request.

Sa mga pasaherong boluntaryong kakanse­lahin ang kanilang mga biyahe, maaaring mag-rebook ng flight hanggang dalawang oras bago ang nakatakdang oras ng kanilang flight, alinsunod sa permanenteng pag­tanggal ng Cebu Pacific sa change fees.

Mananatili ang orihinal na schedule ng domestic flights ng Cebu Pacific. Pinapayohan ang mga pasahero na tingnan ang real-time/ status ng kanilang flight sa website: bit.ly/CEBFlightStatusCheck, ang mga / travel requirement, safety protocols,/ at iba pang katanungan (FAQs)/ sa bit.ly/CEBFlightReminders/ / /

Maaaring i-update ng mga pasahero ang kanilang mga detlaye sa / bit.ly/CEBUpdateInfo/ upang makatanggap sila ng email notifications/ sa mga paalala at mga update ukol sa kanilang flight.

(KARLA OROZCO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Karla Lorena Orozco

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …

SM holiday finds FEAT

Get the perfect presents with these holiday finds at SM Supermalls

The holidays are here, and nothing makes the season brighter than finding the perfect gift …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …