Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis-Bulacan dinukot sa Norzagaray 2 kasama ipinosas

HINDI lamang sa Maynila may nangyayaring pag­dukot sa mga pulis, maging sa lalawigan ng Bulacan ay may naganap na kahalintulad na insidente.

Naglabas ng kautusan si PRO3 Regional Director P/BGen. Valeriano de Leon sa mga miyembro ng Bulacan police na mag­sagawa ng masinsinang imbestigasyon at mala­limang pagsisiyasat sa sinasabing pagdukot kay P/Cpl. Nikkol Jhon Santos, kasalukuyang nakatalaga sa Pandi MPS, nitong Biyernes, 5 Marso.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, lumilitaw na dakong 7:00 am noong Biyernes, hinarang ng isang puting Starex Gold van sina P/Cpl. Santos at dalawang kasamang kinilalang sina Sammy Bedunia at Rolando Beltran, habang sakay ng dalawang motorsiklo at binabagtas ang lansangan ng Sitio Padling, Brgy. Matictic, sa bayan ng Norzagaray, sa naturang lalawigan.

Nabatid na bumaba sa sasakyan ang mga kalala­kihang armado ng maha­habang baril at pinigilan sila kasunod ng pagtutok ng mga armas saka inutusang dumapa sa lupa saka pinosasan.

Pagkatapos nito, kinaladkad ng mga suspek ang biktima sa loob ng van at saka tumakas sa hindi pa matiyak na direksiyon habang iniwang nakaposas ang dalawang kasama ni Santos.

Matatandaang isang ahente ng PDEA ang pinaslang ng mga arma­dong lalaki sa lungsod ng San Jose del Monte noong 23 Pebrero, kung saan isang puting van din ang ginamit na back up at getaway vehicle ng mga suspek.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …