IMINUNGKAHI ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara sa pamahalaan ang pagsasagawa ng pilot testing ng face-to-face classes bago maisagawa ang nationwide face to face dahil patuloy pa rin, mayroong pancdemyang kinahaharap ang bansa.
Binigyang-linaw ni Angara na nais na rin niyang magbalik sa eskwela sa pamamagitan ng face-to-face ang mga mag-aaral subalit hindi dapat magpadalos-dalos sa desisyon ang pamahalaan.
“Gusto natin maibalik ang face-to-face classes pero be that as it may nagsalita na rin si Presidente na basta’t walang bakuna ayaw niya mag-umpisa ng face-to-face classes nationwide. Kung sakali, bago tayo mag-umpisa gawa tayo ng nationwide rollout ng face-to-face classes, pumili tayo ng isa o dalawang probinsiya muna para sa pilot testing,” ani Angara.
Tinukoy ni Angara na dapat gawan ng pilot testing at ang mga lugar na nakapagtala ng zero cases ng COIVID-19.
Bukod dito dapat handa ang health system ng mga lugar na gagamitin sa pilot testing para sa ganoon ay matugunan ang outbreaks sa pagsisimula ng face-to-face classes.
“Kailangan ang lugar na ‘yun ay walang masyadong kaso at handa ang kanyang health system kung sakaling magkaroon ng super spreader event,” dagdag ni Angara.
Paalala ni Angara, biktima rin ng CoVid-19, ang mga mag-aaral na papasok sa isang classroom ay galing sa iba’t ibang tahanan na hindi ninuman alam ang kalagayan ng kausugan sa lahat ng miyembro ng pamilya nito.
“Kung i-rollout ng DepEd itong face-to-face classes ay maingat at limitado talaga, under very controlled conditions muna,” ani Angara.
(NIÑO ACLAN)