Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Kinabag na baby ‘pumanatag’ sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Mary Ann Polistico, 28 years old, taga-Imus, Cavite.

Ako po ay isang fulltime nanay ngayon dahil kapapanganak ko lang noong August. Six months na po ang baby boy namin.

Si mister naman po ay nagtatrabaho sa isang outsourcing company, kasalukuyang naka-work from home (WFH), pero siya ay night duty.

Kaya ang nangyayari po, ako mag-isa ang katabi ni baby at minsan dahil sa sobrang antok, hindi ko nahuhugasan ng mainit na tubig ang aking nipple. Breastfeeding po kasi ako kay baby.

Minsan po, nag-aalala akong masyado dahil parang kinabagan ang baby namin. Ginawa ko na po ang lahat. Pina-burp ko, pinakpak ang likod, at dinampi-dampian ng maligamgam na hot bag, pero dahan-dahan lang kasi baka mapaso. Wala pa rin nangyari.

Buti na lang bigla kong naalala ang Krystall Herbal Oil na ipinanghilot sa akin, isang buwan pagkatapos kong manganak.

Naalala ko po ang turo ng nanay ko, lagyan ng Krystall Herbal Oil ang bulak at lagyan ng isang butil ng asin saka ilagay sa pusod.

Ay naku, Sis Fely, parang nagdahilan lang po. Biglang umutot nang mahaba ang baby, kasunod no’n paghipo ko sa tiyan ay lumambot na at nakatulog nang mahimbing ang baby.

Hay maraming salamat Sis Fely. Dahil sa imbensiyon ninyo, panatag ang kalooban ko bilang isang bagong nanay.

MARY ANN POLISTICO
Imus, Cavite

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …