UP for grabs na naman ang plantilla item ng hepe ng Port Operations Division (POD) na noong isang linggo ay naka-post sa BI website.
Talagang napaka-elusive ng naturang item at parang isang ‘makinang na diamanteng’ naghihintay sa mapalad na magmamay-ari.
Mula pa noong inilunsad ang dibisyon ng POD ay wala pang masuwerteng nakasungkit sa item na ito.
Para itong… bikining itim na may mahiwagang amoy, nakabibighani ngunit kay hirap sungkitin!
Sa hanay ng mga umupong acting chief, ang pinakamalapit na nakakuha nito ay ang dating Acting Deputy Commissioner at tumakbong Muntinlupa Mayor na si Marc Red Mariñas.
Halos abot kamay na niya ang naturang bikini ‘este’ plantilla ngunit nanaig sa kanya ang kanyang pangarap na magserbisyo-publiko.
‘Yun namang sumunod ay ok din sana ngunit inabot naman ng indulto bunga ng isyu sa pastillas.
Ganyan kahirap makuha ang plantilla item na ‘yan! So bakit nga kaya??
Ito ba ay sadyang mahiwaga o may ‘jinx’ lang na kasama?
OMG!
So, sa mga nag-aambisyon pang umangat sa trono na ‘yan, mas mabuti siguro kung may ‘agimat’ kayong dala bago sumubok kunin ‘yan o ‘di kaya ay manatili na lang sa isang pangarap!
Anyway, pagkakataon na nina Johnny bravo cum padrino at ni Panotsky na masungkit ang item na ‘yan!
Ay sus!
ATTY. CANDY TAN
BIBITAW NA
SA BI-POD?
GAANO kaya katotoo ang lumalabas na balita na nagpapaalam para bumaba si Atty. Candy Tan bilang hepe ng Bureau of Immigration – Port Operations Division (BI-POD)?
Ito raw ngayon ang usap-usapan sa tatlong terminals ng NAIA na nakariringgan daw ng “swan song” si Atty. Candy matapos ang kanyang ilang buwanh panunungkulan bilang acting chief ng isa sa pinakasensitibo at pinakakontrobersiyal na posisyon sa BI.
Sa mahigit apat na taong panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon, tatlong beses nang nagpalit ng hepe ang BI-POD.
Hindi gaya ng ibang dibisyon sa BI na nagtatagal ang kanilang Division Chief, ang POD ay masyadong malawak ang sakop dahil sa rami ng operatiba nito.
Maraming units o section ang nasa ilalim ng POD gaya ng Airport Operations Section, Anti-Fraud Section, SOCU, QMU, etc., dito sa POD ay talaga namang toxic ang maging isang ‘chief.’
Dapat ay mayroong “moral ascendancy” ang karakter ng magaling na lider para mapasunod ang mga tao sa mga dapat niyang ipatupad.
Alam naman natin na iba-iba ang ugali ng bawat IO. Mayroon diyang mabait, may mga pasaway, may reklamador, may bida-bida, may traydor, tadtad din ang sipsep at may ilang mahilig umatungal!
Lalo kapag na-demote o ‘di kaya ay hindi ma-promote!
Ganern?!
Kung totoo man ang balita na magpapalit na naman ng liderato sa POD, panigurado na magpapalit rin ng kanyang mga bitbit na tao!
Ayokong manghusga sa kanyang performance since masyadong maikli pa ang panahong nasa POD si Madam Atty. Candy.
Ngunit base sa obserbasyon natin sa mga dating lawyers na namuno sa dibisyong ‘yan, masasabi natin na mas effective pa rin kumbaga ang hepe na may mahabang experience sa pagpapatakbo ng airport at kilala ang pagkatao ng bawat IO.
Galaw lang ng mata ng tao riyan, dapat ay alam niya kung tulisan o hindi.
‘Yun lang naman po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap