Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DANIEL FERNANDO Bulacan

92% CoVid-19 recovery rate naitala sa Bulacan

IPINAHAYAG ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit ng Provincial Health Office-Public Health, sa kabuuang 11,863 kaso ng CoVid-19 sa lalawigan ng Bulacan, 10,928 (92%) ang nakarekober.

Sa pinakahuling Situational Report No. 347 hinggil sa Coronavirus Disease 2019 mula sa Provincial Risk Reduction and Management Office, kalihiman ng Bulacan Provincial Task Force on CoVid-19, nitong 9 Pebrero 2021, may kabuuang 16,243 kasong may kinalaman sa  CoVid-19 ang nakalap mula sa disease reporting units sa buong lalawigan, 11,863 ang kompirmado, zero probable, at 4,380 suspected, samantala walang bagong naitalang binawian ng buhay mula sa 510 aktibong kaso.

Sa ulat, nagtala ang lungsod ng Malolos at mga bayan ng Guiguinto at Santa Maria ng pinakamataas na aktibong mga kaso na may 73, 49, at 41, ayon sa pagkakasunod-sunod.

“We keep on planning and we keep on executing. Mahalagang nag-uusap tayo para mas nalalaman natin ang nangyayari sa paligid at ano pa ang mga kailangan. Bagaman hindi pa nawawala ang CoVid-19, nagpapasalamat akong nasasanay tayong sumuod sa health protocols, natutuwa akong nakikitang sumusunod sa batas ang mga Bulakenyo,” ani Bulacan Governor Daniel Fernando.

Sinabi ng gobernador, habang naghihintay sa desisyon ng pamahalaang nasyonal patungkol sa bakuna, susuportahan at susunod ang lalawigan sa mga protocol upang paglingkuran at isalba ang buhay ng mga Bulakenyo mula sa CoVid-19.

“Hihintayin natin ang official statement ng national government at DOH, dahil as of now ‘di pa tayo puwedeng mag-procure ng sarili natin. ‘Di tayo puwedeng mag­desisyon tungkol diyan na bumili tayo ng bakuna sa sarili natin, ‘pag sinabi g national government na okay na itong brand na ‘to saka tayo kikilos, pero nakahanda naman tayo. Magsu-supplement kami para maipambili ng bakuna at maibigay nang libre sa mga tao,” paliwanag ni Fernando.

Sa kasalukuyan, nasa 143 Executive Orders at iba pang tulad nito ang inilabas ng lalawigan ng Bulacan para sa monitoring, mandatory na pagkuha ng temperatura at mahigpit na pagpapa­tupad ng mga alituntunin at polisiya hinggil sa CoVid-19.

Dagdag dito, nanana­tiling may 15 quality control points sa lahat ng pasukan at labasan sa  Metro Manila, Nueva Ecija, Pampanga, at Bulacan at 13 Bulacan Shield, dalawang nakalaang control points at 12 NLEX quality control points sa layuning mapigil ang paglaganap ng nasabing virus.

Samantala, nasa ilalim pa rin ng state of calamity ang bansa sa bisa ng Proclamation No. 1021 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 16 Setyembre 2020 na pinalawig hanggang 12 Setyembre 2021 dahil sa nararanasang pandemya.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …