Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay, 96 nasa hospital pa rin (Sa tumagas na ammonia sa ice plant)

DALAWA na ang kompirmadong namatay habang 96 ang isinugod sa mga ospital matapos makalanghap ng amoy mula sa ammonia na tumagas sa isang ice plant sa lungsod.

Kahapon ng umaga, kinompirma muli ni Mayor Toby Tiangco na may isa pang namatay sa ammonia leak sa TP Marcelo Ice Plant and Cold Storage sa R-10, Brgy. NBBS.

Kinilala ng alkalde ang isa pang namatay na si Joselito Jazareno, 54 anyos, residente sa Malabon at electrician ng kompanya na nakita ang kanyang bangkay malapit sa lugar ng sumabog na surge tank.

Sa tala kahapon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng 5:00 am, umabot sa 96 ang dinala sa mga ospital, kabilang si Gilbert Tiangco na unang namatay din dahil sa insidente.

“Lahat po ng medical expenses ng mga pamilyang apektado ay babalikatin ng kompanya. Kasalukuyan pong nakasara ang ice plant at pabubuksan lamang po natin ito kapag naisagawa na ang safety measures alinsunod sa mga rekomendasyon ng Bureau of Fire Protection” pahayag ni Mayor Toby.

“Sa panig ng ating pamahalaang lungsod, magbibigay po tayo ng counselling para sa mga residenteng na-trauma dahil sa insidente. Ipapa-check din po natin sa BFP at Sanitation Officers ang iba pang mga ice plant at cold storage sa lungsod kaugnay ng kanilang Occupational Safety Standards and Environ­mental Compliances” dagdag niya.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …