Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

New Breed of Singers, regular na sa ASAP

PINURI ng kaanak namin sa ibang bansa ang production number ni Moira Dela Torre sa ASAP Natin ‘To nitong Linggo, Enero 24 kasama ang apat na bagong mukha sa showbiz na tinawag na New Breed of Singers na sina Sam Cruz, Anji Salvacion, Diego Gutierrez, at KD Estrada.

Pinanood namin sa YouTube ang prod number ng lima at oo nga magaganda ang mga boses at higit sa lahat parehong maganda sina Sam at Anji at guwapito naman sina Diego at KD.

At dahil maganda ang feedback sa new breed of singers, regular na sila sa ASAP Natin ‘To kaya naman tuwang-tuwa ang mga bagets at siyempre ang bawat supporters nila.

Parang nakikinita na namin na kung sakaling tapos na ang pandemic at puwede na ang live audience at binigyan na ng bagong prangkisa ang ABS-CBN, tiyak na maraming titili kina Sam, KD, Anji, at Diego. Sana maranasan din nila ang mga natikman noong bago pa sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Khalil Ramos, at Enrique Gil na talagang sinusundan sa bawat mall shows para sa teleseryeng Princess and I taong 2012-2013.

Going back to Moira, sadyang mapagbigay siya sa mga baguhan dahil sa maganda nilang prod number ay marami ang nakapansin hanggang sa ibang bansa.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …