Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

12-anyos bata nakoryente sa footbridge

IKINALUNGKOT ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang insidente na ikinakoryente ng isang 12-anyos batang lalaki, residente sa Barangay 12, dakong 12:00 nn kahapon sa ginagawang footbridge sa Sangandaan, Caloocan City.

Kaagad dumating ang rescue team ng pamahalaang lungsod kasama ang mga pulis at BFP Caloocan saka dinala ang biktima sa Caloocan City Medical Center, para suriin at bigyan ng first-aid, ayon kay CCMC Administrator Dr. Fernando Santos.

Nang mabalitaan ang nangyaring insidente, agad ipinag-utos ni Mayor Oca na ito’y imbestigahan.

Sa report ni Department of Public Safety and Traffic Management South Caloocan Operations Bernie Manlapig, napag-alaman na kasalukuyang ginagawa ang nasabing footbridge ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Mayroon din mga harang sa bawat hagdan nito bilang paalala na bawal pa itong gamitin.

“Nag-break time po para kumain ng tanghalian ang mga tauhan ng MMDA na gumagawa rito. Hindi po namalayan na nakaakyat ang bata at naglaro roon kahit may harang,” paliwanag ni Manlapig.

Sa kabila nito, tiniyak ni Mayor Oca na tutulungan ang biktimang menor de edad na kasalukuyang ginagamot sa Jose Reyes Medical Center.

“Patuloy nating imo-monitor ang lagay ng bata. Tayo ay magpa­paabot ng tulong para sa kaniyang paggaling. Kasabay nito, magpapa­tuloy ang ating imbesti­gasyon at irerekomenda sa MMDA at iba pang ahensiya o kompanya na may katulad na proyekto sa lungsod na mas paigtingin ang seguridad upang hindi na maulit ang ganitong mga aksidente,” pagtitiyak ni Mayor Oca. (R. SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …