Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jaclyn Jose, aliw sa bagong apo Kasal nina Andi at Philmar, next year pa

SA nakaraang Anak ng Macho Dancer physical mediacon ay isa si Jaclyn Jose sa pinagkaguluhan para hingan ng detalye tungkol sa nalalapit na kasal ng anak niyang si Andi Eigenmann sa fiancé nitong si Philmar Alipayo.

Tuwang-tuwa si Jaclyn sa bago niyang apong si Baby Koa na isinilang ni Andi noong Enero 18 thru caesarian section at siya naman ang nagbantay kay Lilo sa condo habang nasa ospital ang anak kasama si Philmar.

I was just there kina Andi taking care of Lilo habang sila Philmar at Andi ay nanganganak sa ospital. So, kakauwi-uwi ko lang din (sa sariling bahay ko),” kuwento ng proud lola.

Hindi naitago ni Jaclyn ang saya dahil maayos na nakaraos sa panganganak ang anak at nakita niyang kuntento at masaya si Andi sa buhay niya ngayon kapiling si Philmar.

“Happy ako kasi healthy si  Andi tapos healthy ‘yong baby. Genuinely happy. They’re just living their life to the fullest. Ayaw nila ng negative,” sambit pa ng proud lola.

Samantala, Disyembre na-engage sina Andi at Philmar kaya ang kasal ay, ”Next year pa ang kasal. I’m pretty sure, in Siargao. Eh, may pandemic so, tapusin na muna ‘yan. Everything will (follow) sa pandemic nakasalalay, ang binyag, ang lahat,” pagtatapat ni Jaclyn.

Going back to Anak ng Macho Dancer, mapapanood na sa Enero 30 via KTX.ph at sa halagang P650 na sobrang lakas ng benta ayon na rin sa nalaman namin bukod pa sa kuwento ng The Godfather Productions producer na si Joed Serrano.

Sequel ng Macho Dancer na ipinalabas noong 1988 ang Anak ng Macho Dancer na bubuhayin ni Jaclyn ang role niya bilang si Bambi.

Binuhay ko si Bambi, the old character. Siyempre, nag-mature siya, maraming pinagdaanan sa buhay. Bumalik ako sa 33 years ago lalo na my first scene with Sean (de Guzman). Si Allan (Paule) talaga ‘yong nakita ko,” say ng aktres.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …