Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Lockdown effect’ bantayan lalo sa menor de edad

KINATIGAN na nga po ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng mga doktor na huwag munang pahintulutang makalabas ng bahay ang mga batang may edad 10-14 anyos.

Hindi ito komporme sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Emerging Infectious Disease.

Gusto na kasi ng IATF na payagang lumabas ang mga batang 10-14 anyos sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Pero idinahilan ng Pangulo na ang kanyang pasya ay bunsod ng mga kaso ng United Kingdom variant corona virus sa Cordillera.

“Pasensiya na po kayo. Mine is just a precaution wala itong… takot lang ako kasi itong bagong strain strikes the young children. Itong original na CoVid hardly if at all na wala kang marinig na bata, meron one or two and you can count it by the fingers of your hands. But the infection is not easily acquired. Pero ngayon, according to the studies, nag-warning si Johnson, ‘yung prime minister nila that it can, that kind of affliction can… walang limit sa edad kung ilan, so it does not have any cut off there. Just to be sure and in our desire to protect our people napilitan akong i-reimpose ang 10 to 14, not at this time. It’s a sacrifice for the parents and the children, it would limit their movements,” ‘yan ang pahayag ng Pangulo.

Matatandaang tatlo sa 16 na na-detect na may UK variant ng CoVid-19 sa bansa ay menor de edad.

Ayon sa Philippine Pediatric Society, hindi pa panahon ang pagpayag ng IATF na makalabas ng bahay ang mga batang 10 anyos sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.

“Ang sintomas sa mga bata, hindi mo alam. May na-admit ako na dalawang pasyente na may LBM at rashes. Akala mo dengue, it turned out to be CoVid pala,” pahayag ni Cynthia Cuayo-Juico ng Philippine Pediatric Society.

Nakatatakot talaga pero sana naman, mayroon ding nangangalaga sa mga kabataang hindi na kaya ang epekto ng lockdown sa kanilang buhay. Lalo na ‘yung mga nakakulong lang sa bahay.

Kahit na sabihin pang may gadget, may online classes, hindi maikakailang apektado rin ang kanilang mental health.

Baka naman magkaroon lang ng solusyon diyan kapag malala na ang sitwasyon?

Sana, habang maaga ay magkaroon na ng mga pag-aaral at solusyon ang mga kaukulang awtoridad sa suliraning ito.

Iligtas po natin ang ating mga kabataan.  

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *