Monday , December 23 2024

BM ng Brightlight, naiipit kina Mr. M at Mr. Benitez

NAGLABAS ng saloobin niya si Mr. Johnny Manahan o Mr. M dahil sa biglaang pagkakatsugi ng Sunday Noontime Live o SNL sa TV5 noong Enero 17 na hindi man lang binigyan ni Brightlight producer Albee Benitez ng isa pang linggo para pormal na magpaalam ang mga host sa iiwan nilang viewers sa loob ng tatlong buwan.

Sa tagal ni Mr. M sa industriya ay bilang sa mga daliri sa kamay na magpa-unlak siya ng interview, sabi nga ‘man of few words’ ang dating ng head ng Star Magic sa loob ng mahabang panahon.

Kaya pasabog talaga sa publiko ang mga sinabi niyang hindi nila napaghandaan ang pagkatsugi ng SNL dahil nga naghahanda pa sila sa susunod nilang tapings dahil nga ang alam nila ay six months tatakbo ang programa base sa usapan nila ni Mr. Benitez pero anong nangyari, bakit hindi nasunod?

Understandable kasi na malaki na ang lugi ng programa na umano’y umabot na sa P600-M at para hindi na lumobo pa ay kailangan na itong ihinto.

Katwiran ni Mr. M bilang head at direktor ng SNL, sinabihan niya si Mr. Benitez na malaki talaga ang magagastos lalo’t variety show ito pero sinagot siya ng producer na alam naman niya at may tao siyang humahawak nito na ang ibig sabhin ay may taong nakaaalam na itinalaga sa TV production.

At dito na pumasok ang pangalan ni Pat P. Daza na rating ABS-CBN employee na ginawang in-charge ni Mr. Benitez.

Sa Instagram account ng talent manager na si Manay Lolit Solis ay nabanggit niyang naiipit si Pat P sa Brightlight Productions producer at kay Mr. M dahil dati siyang PR head ng Star Magic na pinamumunuan noon nina Mr. Manahan at Mariolle Alberto.

Ipnost ni Manay Lolit ang larawan nilang dalawa ni Pat P na ang caption, ”Ang hirap siguro ng dalawang beses, eh, magkaroon ng problema iyon work place mo, Salve. I can just imagine iyon feeling of anxiety ni Pat P na nuon ang problema iyon franchise ng ABS CBN at kung saan papasok pag nagsara ang network.

“Bigla naman naging very lucky siya na that moment, nagbukas ng production si papa Albee Benitez, so safely nagkaruon siya ng bagong high paying job as lady of Brightlight.

Now, medyo shaky na naman dahil nga sa aside from nalulugi nga ang kumpanya, heto at feeling betrayed and cheated pa si Papa Albee Benitez. Siyempre may anxiety fears na naman na baka iwanan na ni Papa Albee ang tv/movie production, eh saan nga naman pupunta uli si Pat P.

“Ang hirap talaga ng ganyang sitwasyon, kasi nga wala iyon stability of tenure na gusto mo. Mabuti kung gaya natin nila Gorgy, Salve, pa easy easy lang, walang responsibility na malaki.

“Ang laki kasi ng nasa balikat ni Pat P, iyon hindi niya alam kung tatawaran niya iyon TF, o go lang dahil kaya naman bayaran. Sino bibigyan niya protection, iyon mga dati niya kasamahan sa network o itong bago niya trabaho sa Brightlight?

“Kaya dahil nga hindi naging maliwanag ang parameter kung saan dapat, hayan ang laki ng cost of production, pati iyon operational sa office siyempre included iyon sa costing kaya ang laki ng kinain sa puhunan, hindi nakaya.

“Imagine, losing company na, may half month salary bonus pa, di ba parang abuso na. Imagine mo, ang host mo meron advance payment na hiningi bigay agad, ewan ko kung bakit pero marami nga loopholes kasi na na-discover na siyang dahilan ngayon ng shaky position ng Brightlight.

“Inasahan kasi ni Papa Albee na si Pat P ang magiging guide niya sa mga tamang transactions o decision, ewan natin kung ano nangyari. Hay naku, basta, wait and see na lang tayo . #classiclolita  #takeitperminutemeganun #73naako.”

Marami kaming nabasang reaksiyon na may kanya-kanyang punto na malaki na ang lugi kaya tama lang na itigil na. May nagsabi naman na sana nagbigay ng abiso ang producer.

Napanood namin ang panayam ni MJ Marfori ng TV5 kay Ms. Belay Santillan, VP head ng Cignal Entertainment at nabanggit nga niya na ang ASAP Natin ‘To ang kapalit ng SNL.

“What happened here was, we’ll do have a relationship with Brightlight and they’re one of our partners as you know when we started going back to entertainment, we partnered with them and block time some of our airtime.

“Well, it’s not really an ABS (CBN) and Cignal TV collab it’s still in the partnership with Brightlight it’s just so happened that I think what they had to make certain decisions and it’s still their block time their hours, ‘yung desisyon to put what content is really depend on them, so, I guess they decided to put the ‘ASAP’ content.  So, that’s what all about.”

Komento naman ni @cindy_arguelles sa post ni Manay Lolit, ”Brightlight pa rin ang may-ari ng airtime slated for the 3 cancelled shows kasi sabi ng TV5, airing vehicle lang sila until their contract with Brightlight expires.

“Brightlight ang umangkat sa ABS-CBN ng ASAP at FPJ movie for a certain amount. Since Pat P is the business manager of Brightlight, I assume siya ang bridge to get these shows. Kaya ipit si Pat P between Mr. M and Benitez kasi panay ang kuda ni Mr. M.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *