Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Holdaper sa Sampol market sugatan sa enkuwentro (Umaatake tuwing madaling araw)

SUGATAN ang isang holdaper matapos manla­ban at makipagbarilan laban sa mga awtoridad sa Brgy. Bagong Buhay I, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng madaling araw, 19 Enero.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, ang sugatang suspek na si Philip Espellogo, residente sa Brgy. Sta. Cruz 1, sa nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ni P/Maj. Julius Alvaro, OIC ng SJDM CPS, isang robbery incident ang naganap sa Sampol Market, Brgy. Bagong Buhay I, dakong 4:30 am kamakalawa kung saan biglang nilapitan ng suspek na si Espollogo ang biktima at walang sabi-sabing inundayan ng saksak at saka nagdeklara ng holdap sabay kuha ng pitaka nito.

Nang matunugan ang insidente ng mga operatiba ng SJDM CPS, agad silang nagresponde hanggang masukol ang suspek.

Imbes sumuko sa mga awtoridad, hinablot ni Espollogo ang isang boarder na naninirahan sa katabing apartment at balak gawing hostage ngunit nakawala sa pagkakahawak ng suspek kaya bumunot ng baril para puntiryahin ang mga police operative.

Dahil armado at mapanganib, naging mabilis ang pag-aksiyon ng mga kagawad ng pulisya sa insidente at pinapu­tukan ang suspek sa paa na ikinatumba nito.

Sa isinagawang imbes­tigasyon, napag-alamang ang baril ng nasabing suspek ay ginagamit niya sa panghoholdap sa madaling araw sa nasabing pamilihan.

Nakompiska mula sa suspek na isinugod sa pagamutan ang isang kalibre. 45 (Colt) baril, kitchen knife, tirador na may bato, at pitaka na gagamiting ebidensiya.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …