Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Slot ng SNL sa TV5, ibinigay na sa ASAP

EERE ang ASAP Natin ‘To sa TV5 sa Linggo, Enero 24 kaya hindi na puwedeng i-extend ng isa pang Linggo ang Sunday Noontime Live para pormal na magpaalam ang mga host na sina Maja SalvadorRicci Rivero, Jake Ejercito, Catriona Gray, at Piolo Pascual sa kanilang viewers na tumutok sa kanila sa loob ng tatlong buwan simula ng mag-umpisa ito noong Oktubre 18, 2020.

Ito ang ibinigay na dahilan ng CEO at Chairman ng TV5 na si Manny Pangilinan kay Johnny Manahan sa hiling nitong pagbigyan sila ng isa pang linggo.  Huling episode ng SNL nitong nakaraang Linggo, Enero 17 na replay pa.

Ayon sa panayam ni James Patrick Anarcon ng PEP.ph kay Mr. M (tawag kay Mr Manahan), sinagot siya ni Chairman Pangilinan ng, ”Sorry, ha. Naibigay na namin sa iba (slot).’ And iyong iba happens to be ‘ASAP!’”

May mga tinanungan kaming bosses ng Kapamilya Network tungkol dito pero hindi kami lahat sinagot.

Si Mr. M ang dating direktor ng ASAP sa loob ng ilang dekada at kaya lang niya tinanggap ang alok ng Brightlight Productions producer na si ex-Congressman Albee Benitez para magdirereye ng Sunday Noontime Live ay para magkaroon ng trabaho ang mga ka-trabaho niyang na-retrench dahil hindi nabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Mahina ang signal ng TV5 kaya mahina ang ratings at hindi kumikita ang dahilan ng producer na si Benitez kay Mr. M kaya kinansela na kaagad ito kahit wala pang anim na buwan na base sa napagkasunduan noong ialok ito sa rating Star Magic honcho.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …