Sunday , December 22 2024

PPE kailangan ng frontliners sa NAIA

BINALOT ng kaba ang mga taga-Bureau of Immigration (BI) sa NAIA Terminal 3 matapos lumabas ang balita na sa kanila dumaan ang unang pasahero na positibo sa UK coronavirus variant.

Sa isang ulat ng Department of Health, sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na isang 29-anyos businessman at residente sa Kamuning, Quezon City ang nagpositibo sa naturang virus.

Lumipad papuntang Dubai, United Arab Emirates (UAE)  ang Pinoy noong 27 Disyembre at muling bumalik noong 7 Enero ng kasalukuyang taon na dumaan sa ilang Primary Officers na walang Personal Protective Equipment (PPE).

Gayonman, matapos ma-swab-test sa airport ay kaagad dinala sa quarantine facility para sumalang sa 14-day isolation upang obserbahan at mabigyang lunas kung sakali.

Sa panig ng BI-Port Operations Division, agad  nagbigay ng direktiba sa mga Primary Officers na dinaanan ng pasahero na sumailalim din sa quarantine period na itatakda para sa kanila.

Noon pa man ay nananawagan na tayo na dagdagan ng BI ang kanilang proteksiyon sa kanilang mga tauhan.

Hindi biro-biro ang tamaan ng nasabing sakit lalo pa at nagkakagulo pa ang gobyerno kung sino sa mga kompanya ng Pfizer, Astra-Zenica, at Sinovac ang unang makapagpaparating ng kanilang bakuna.

Kung sakali ay sa Marso pa darating ang pinaka-unang batch ng CoVid vaccine sa ating bansa at wala pang nakatitiyak kung magiging epektibo ito sa mga Pinoy?

Kinakailangan din na aprobado ng FDA at DOH bago pa man isalin sa frontliners na unang tatanggap ng ayuda ‘este bakuna.

Sana lang, ang kompanya ng Pfizer, ang unang makapagparating ng kanilang produkto.

Marami kasi ang natatakot sa vaccine ng Sinovac na alam naman ng lahat na priority ng administrasyon.

May mga nakausap din tayo na kahit medical practitioners sa bansa ay hindi sumasampalataya sa produkto ng mga Tsekwa?!

May mga kaso raw ng side effects ang dulot ng Sinovac kompara sa vaccines na nagmula sa Estados Unidos at Europa.

Since ilang buwan pa nga bago umabot sa atin ang mga bakuna, kung maaari sana ay huwag magpabaya at maging kompiyansa ang ating frontliners sa airport tungkol sa kanilang kaligtasan!

Sabi nga ng mga born again “Beks” sa airport; “Avoid Touching MEN!”

Mouth – eyes – nose.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *