Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

BTS, umarangkada na

SIGURADONG karamihan sa atin ay narinig na ang grupo ng K-pop idols na BTS. Pero ito palang acronym na BTS ay hindi lang pangalan ng  K-pop group. Ang ibig sabihin din nito ay “Be There Soon” o kaya ay “Behind The Scene.”

Ang pinakabagong ibig sabihin ng BTS ay kumakatawan sa isang bagong kilusan sa Kongreso — ang Balik sa Tamang Serbisyo.  Ito ay pinapangunahan ni Taguig-Pateros Congressman at dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Cayetano, puwede rin ang ibig sabihin nito ay Bayanihan, Tapang, at Serbisyo na tila raw nawala na ngayon sa mga mambabatas sa Kamara de Representantes.

Nang siya ang Speaker noon, ang tawag sa Kamara ay House of the People o HOPE. Ngayon, nakalulungkot na ang dating House of the People ay naging House of ‘Politics,” ayon kay Cayetano. 

Ang punto ng BTS sa Kamara de Representantes ay muling mapagtuunan ng pansin ng mga mambabatas ang mahahalagang isyu tulad ng CoViD – 19 vaccination program at economic recovery ng bansa, ang mga presyo ng bilihin at koryente, at iba pang nakaaapekto sa pang araw-araw na buhay ng mga mamamayang Filipino.

Layon din ng BTS na alamin ang kalagayan ng rehabilitation programs para sa mga nasalanta ng nakaraang malalakas na bagyo, at gayundin sa eruption ng Taal volcano noong Enero ng nakaraang taon.

Paano na rin ang pag-amiyenda ng batas para mapigil ang  pagtaas ng kontribusyon sa Philhealth ngayong taon, tulad ng ipinag-utos ng Pangulong Duterte?  Kahit ito ang utos ng Pangulo, kailangan pa rin ng bagong batas para magkabisa. May kumikilos ba ngayon sa Kamara para mapabilis ang pagpasa nito?

‘Yung pangako ng mga higante at mayayamang telcos na pabilisan ang internet service, na kailangang kailangan ngayon sa online learning at online businesses, may nangyari ba?

Ilan lang ito sa mga isyu na dapat sana ay napaglalaanan ng atensiyon ng Kamara ngayon pero tila ba puro pamomolitika na lang ang inaatupag.

Di ba’t sa dinami-rami ng problemang kinaharap natin ngayon dahil sa CoVid-19, nakuha pa nilang buksan ang debate tungkol sa Charter change? Pambihira din naman ang mga nasa liderato ngayon ng Kamara, napakalayo ng mga prayoridad nila sa mga tunay na pangangailangan ng bayan at ekonomiya natin ngayon. 

Ito ngayon ang gustong  baguhin ng kilusang BTS, na kasama rin sina former Deputy Speakers Camarines Sur Cong LRay Villafuerte, Laguna Cong. Dan Fernandez,  Batangas Cong. Raneo Abu, at Capiz Cong. Fredenil Castro. Kasapi rin ng kilusang BTS sina Bulacan Cong.  Jonathan Sy-Alvarado na dating chairman ng House committee on good government and public accountability; at Anakalusugan partylist Cong. Mike Defensor, na dating chairman ng House public accounts committee.

Aba, teka. Kung bibilangin pala ay pito silang lahat na nangunguna sa kilusang ito. Kasing rami rin ng miyembro ng K-pop group na BTS. Nagkataon lang naman.

Ayon kay Congressman Defensor,  hindi lamang sila ang kasapi sa kilusang ito, kundi marami pa silang mga committee chairperson at iba pang miyembro ng Kamara  na sumisimpatiya sa layunin  ng BTS. Baka eto ang magiging ARMY nila, kasama ang karamihan ng mamamayang Pilipino na  sawang-sawang na sa pamomolitika sa Kongreso.

Ayon kay Defensor, ang mga kasama nila sa BTS Congress bloc ay ang mga nagtatrabaho sa Kongreso na gusto muling ibalik ang dating sigla at sipag sa Kamara para makatuon sa mga bills na kailangang ipasa agad.

Si Congressman Villafuerte naman ay nadesmaya dahil nauwi na sa puro pamomolitika na lamang ang nangyayari ngayon sa Kamara sa ilalim ni Speaker Lord Allan Velasco, imbes pagtuunan ng pansin ang mga importanteng panukala tulad ng mga bills para muling mapasigla ang ekonomiya at mga negosyo, at  patuloy na mabigyan ng ayuda ang mahihirap nating kababayan.

Kailangan din pagtuunan ng pansin ang peace and order, ayon naman kay Congressman Castro dahil nakababahala na ang mga nangyayari, tulad na lamang ng pamamaril ng isang pulis sa isang mag-ina kamakailan, at ang lumalalang problema ng online child pornography sa bansa.

Sana nga ay magtagumpay ang BTS sa layunin nilang muling ibalik ang Bayanihan, Tapang, at Serbisyo sa Kamara de Represen­tantes. Nawala na sa tamang  direksiyon ang Kamara ngayong panahon na kailangang-kailangan pa naman ang matatag at mapapagkatiwalaang liderato sa Kongreso.

 

MAINGAY NA INUMAN
SA QUIAPO, GRABENG
LUMABAG VS IATF
HEALTH PROTOCOLS

AKALA natin noong una normal lang ang operation ng isang matatawag na inuman sa Quiapo area.

Pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ganoon pala talaga ang nangyayari sa area na ‘yan kahit ngayong may pandemya.

At hindi lang basta inuman ‘yan, maingay na inuman, malapit lang sa police station.

Diyan lang po ‘yan sa tabi ng sikat na manukan malapit sa underpass patungong Morayta.

Ibang klase ang operator ng inuman na ‘yan. Animo’y maingay na city walk sa isang normal na panahon ang laklakan sa araw-araw.

Daanan ng tao ang lugar kaya kapag may inuman wala nang nagaganap na social distancing.

Arayku!

Hello! Wala bang gagawin ang Mayor’s action team laban sa mga pasaway na ‘yan sa Quiapo, Maynila?

Aksiyon po ang kailangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *