Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Josh, ayaw na sa Manila; Kris, raratsada na naman

MAGANDA ang pakiramdam ni Kris Aquino nitong Miyerkoles ng gabi kaya niyaya niya ang anak na si Bimby at staff sa Korean Restaurant.

Ang caption ni Kris sa sa mga larawang ipinost niya, ”First dinner out this 2021 with my team/our weird family after my meeting this afternoon absolutely yummy Korean barbecue at Sariwon BGC with people I’m happy to share my life with. #lovelovelove.”

Napansin naman ng GMA actor na si Tom Rodriguez si Bimby na sobrang tangkad na, ”Happy new year! My God! Bimby is a tower! I could carry him pa over my shoulder during ‘Praybeyt Benjamin 2,’ but it looks like he’ll be the one carrying me fireman style next time I bump into him.”

Sinagot naman ni Kris ang aktor, ”@akosimangtomas yes tom! we hope to see you & @carlaangeline soon.”

At sa video post ni Kris kahapon (Huwebes) ng umaga ay pinasalamatan niya nang husto ang Colgate Palmolive sa mga ipinadalang iba’t ibang produkto sa kanya.

Ang caption ng video ay, ”Thank You, Thursday. Maligaya po si kuya josh sa Tarlac ayaw na pong bumalik dito, ang panganay ko ay talagang masaya, payapa, at masigla sa kanyang pagbubuhay probinsya. (why you haven’t been seeing him.)”

Nabanggit din ng Queen of Social Media na sa rami ng mga ipinadadala sa kanyang produkto ay ise-share niya ito dahil tiyak na iniisip ng ibang tao na kung sino pa ‘yung kayang bumili ay sila pa ang napapadalhan. Mahusay na endorser kasi si Kris na sa bawat post niya ay maraming tumatangkilik sa produkto.

Inaming hoarder din siya ng Colgate Charcoal na aabot ang supply nila sa loob ng isang taon.

Samantala, nabanggit din ni Kris na may hinihintay siyang news kahapon na sana ay maganda ang resulta na sa tingin namin ay bagong project na naman.

Kung anuman ‘yun sure na good news iyon.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …