Thursday , December 26 2024

SRP ng DTI mananatiling pantasya lang — Marcos

IGINIIT ni Senadora Imee Marcos na tila mananatiling ‘pantasya lamang’ ang suggested retail prices (SRPs) sa pagkain na dapat ipinatutupad ng Department of Trade and Industry (DTI), dahil sa paglaganap ng sakit sa mga babuyan sa Luzon at sa maaaring pagtagal ng sobrang lamig ng panahon sa mga taniman ng gulay sa Norte.

“Mahihirapan ang DTI na ipatupad ang SRPs sa baboy at gulay dahil sa di matapos-tapos na African Swine Fever (ASF) at pagyeyelo ng hamog sa mga taniman ng gulay lalo sa Benguet,” ani Marcos.

Sinabi ng Chairperson ng Senate committee on economic affairs, higit na maaapektohan ang mahihirap na pamilya dahil “sisenta porsiyento ng kanilang budget ay nakalaan sa pagkain.”

“Gumagapang na naman pataas ang presyo ng mga bilihin sa lebel na hindi natin nakikita mula Marso 2019. Ang presyo ng pagkain ang pinakamatimbang sa inflation rate ng bansa na umabot sa 3.5% noong Disyembre,” dagdag ni Marcos.

Sa harap nito, hini­mok ni Marcos ang Department of Agriculture na ibigay ang lahat ng suporta sa mga magbababoy at maggugulay sa Visayas at Mindanao, habang sinisikap ng Luzon na gawan ng paraan ang kakapusan sa pagkain at pagtaas ng presyo nito sa mga susunod na linggo.

“Asahan nang mananatili ang mataas na presyo ng mga bilihin. Ang gastusin sa sasakyan at sa tinatawag na cold-chain facilities para mapanatiling sariwa ang mga agri-products mula sa Mindanao ay panibagong dagdag sa ipapataw na presyo pagdating sa Metro Manila at sa buong Luzon,” ani Marcos.

“Wala pa rin bakuna para sa ASF, kaya dapat magdoble-sikap ang DA para maiwasan ang problema ng kontaminasyon sa hog raisers, na karamiha’y mga backyard farmer na halos hindi nakasusunod sa animal health standards,” dagdag ni Marcos.

Sa pinakahuling survey ng tanggapan ni Marcos nitong Martes lang, tumaas ang presyo ng karne ng baboy sa Metro Manila mula P300 bago mag-Pasko at umaabot na sa P380 hanggang P400.

Pero mas mataas pa ang presyo nito sa mga supermarket na pumalo hanggang sa P417 kada kilo.

“Bagamat maraming gulay ang bumaba ang presyo mula noong Nobyembre matapos ang sunod-sunod na bagyo, patuloy na nagpapabaya ang DTI sa pagmo-monitor ng SRP ng naturang mga produkto,” desmayadong pahayag ni Marcos. (NIÑO ACLAN)

 

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *