Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Writ of kalikasan vs Bulacan airport ibinasura ng SC

HINDI pinayagan ng Supreme Court (SC) en banc ang petitition for writ of kalikasan na inihain ng mga mangi­ngisda at civil society groups laban sa konstruk­siyon ng international airport sa Bulacan.

Base sa imporma­syopn mula sa Korte Suprema, ibinasura ang petisyon laban sa San Miguel Aerocity, Inc., dahil sa kakulangan ng merito dahil nabigong mag-comply sa required form at substance.

Ang petisyon ay inihain ng Oceana sa pamama­gitan ng aboga­dong si Gloria Estenzo Ramos, company vice president; mga mangingis­da na naka-base sa Bulacan na pinangungu­na­han nina Teodoro Bacon at Rodel Alvarez; Arch­bishop Roger Martinez ng Archdiocese of San Jose del Monte, at Aniban ng mga Mangga­gawa sa Agrikultura na pina­nguna­han naman ni Renato de la Cruz, chairman ng grupo.

Binigyang diin ng petitioners na ang reclamation ng Manila Bay sa area ay makaa­apekto sa kabuhayan ng mga mangingisda at paglabag din sa environmental laws.

Nanawagan sila ng proteksiyon para sa natural life support systems at sa kabuhayan ng mga mangingisda.

Ang writ of kalikasan ay isang legal remedy na nakadisenyo para protek­tahan ang constitutional right ng mamamayan para mag­karoon ng healthy environment sa ilalim ng Philippine Constitution.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …