Saturday , November 16 2024
arrest prison

2 lasenggo kalaboso (Matapos magtangkang pumatay)

ARESTADO ang dalawa sa tatlong lalaking binansagang ‘lasengero’ matapos manggulpi at manaksak saka bumalik sa bahay at ipinagpatuloy ang kanilang tagayan ngunit ang isa ay pumuslit na sa Caloocan City.

Kalaboso ang mga suspek na kinilalang sina Joseph  John Daniel, 35 anyos, binata; at Michael Daniel Escasulatan, 36 anyos, kapwa residente sa Zaphire St., Brgy. 170, ng nasabing siyudad, habang nakatakas ang isa pang tomador na kinilalang si Arceo Boledo.

Ayon sa pulisya, dakong 8:00 pm nang maganap ang panggugulpi at pananaksak ng mga suspek sa loob  ng bahay ng biktimang si Anthony Guarda Quiver, 45 anyos, may asawa, sa nasabing barangay.

Umiinom umano ang biktima sa loob ng kanyang bahay at isa pang kalugar nang bigla na lamang umeksena ang mga suspek na nag-iinuman din sa kanilang bahay at kinulata si Quiver saka sinaksak.

Matapos ito ay parang walang nangyaring bumalik sa kanilang hideout ang mga suspek at nagpatuloy sa paglaklak ng alak.

Dito na humingi na tulong sa pulisya ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawa sa mga suspek na haharap sa kasong frustrated murder. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *