Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meryll, ipinakilala na kay Willie ang anak nila ni Joem Bascon

IPINAKILALA na ni Meryll Soriano ang anak nila ni Joem Bascon sa tatay niyang si Willie Revillame nitong Enero 2 na ang caption ng larawan nilang tatlo ay, ”with Lolo” na naka-post sa kanyang Instagram account.

Pero nitong Enero 1, Bagong Taon ay ipinakilala na ni Meryll ang anak sa tatay nitong si Joem at ipinost niya ang larawan nilang apat kasama ang anak nitong si Elijah.

Ang caption ng larawan, ”2021! May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy and love. New year, new hopes, new positive outcomes. Happy New Year from our family to yours!”

Anyway, 2019 nang huli naming makausap sina Meryll at Joem sa grand presscon ng pelikulang Culion na entry nila sa Metro Manila Film Festival.

Ilang beses naming tinanong kung nagkabalikan sila dahil nga nauna silang magka-relasyon noon sa teleseryeng Betty La Fea pero nagkahiwalay din.

At muling nagkalapit sina Joem at Meryll sa shooting ng Culion at taping ng teleseryeng Starla na si Judy Ann Santos ang bida.

Si Joem naman ay nagkaroon ng karelasyon at nagsama sila sa iisang bahay ng vlogger na si Crisha Uy na umabot sa 8 years at balitang ikakasal na rin, pero sa hindi malamang dahilan ay nagkahiwalay ang dalawa.

Pilit naming inaalam noon kay Joem kung bakit sila naghiwalay ni Crisha pero nakiusap siyang huwag na lang pag-usapan dahil in pain pa rin siya ng mga panahong iyon.

At inamin naman niyang hindi sila nagkabalikan ni Meryll at ayaw pa niyang i-entertain ang thought dahil masakit pa rin ang hiwalayan nila ni Crisha.

Si Meryll naman ay umaming handa na uli siyang magmahal dahil 5 years na rin naman siyang single, ”I’m ready to love,” sabi niya sa aming panayam.

Hindi naman hadlang ang anak niyang si Elijah kung sakaling magmahal ulit ang mama niya dahil gusto rin niyang magkaroon ng kapatid. Kasama ng aktres ang anak sa premiere night ng Culion nang makausap namin ang bagets.

Pero, Pasko at Bagong Taon ng 2019 ay halatang nagkabalikan na ang dalawa dahil dumalo si Joem sa selebrasyon ng pamilya ni Meryll kaya noong 2020 ay balikan na talaga ang dalawa.

At heto, 2021 ay ipinakilala na ni Meryll ang anak nila ni Joem sa publiko.

Anyway, sinilip namin ang Youtube channel ni Crisha na may video siya three days ago lang na Truth and Dare kasama ang kaibigang si Gandang Kara at natanong kung may feelings pa siya sa sinumang exes niya.

Ang bilis ng sagot ng ex ni Joem, ”wala!  I’m good, I’m good! (sabay sayaw).’’

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …