Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cong. Alfred Vargas, inaalat

PARANG inaalat ngayon si Quezon City 5th District Congressman Alfred Vargas dahil hindi na nga siya nominado bilang Best Actor sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2020 sa pelikula niyang Tagpuan, may mga nagpapa-boykot pa sa pelikula at heto sinasabing sangkot siya sa korupsiyon.

Nitong Lunes ng gabi ay kasama ang pangalan ni Cong. Alfred sa pinangalanan ni President Rodrigo Duterte na nasa listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na sangkot sa korupsiyon sa infrastructure. Bagama’t nabanggit naman ni Presidente Duterte na walang sapat na ebidensiya para mapagtibay ito.

Ang saya-saya pa naman ni Alfred noong Gabi ng Parangal ng MMFF 2020 dahil nanalo ang isa sa leading lady niyang si Shaina Magdayao bilang Best Supporting Actress at nakamit ng Tagpuan ang 3rd Best Picture.

Isa kami sa nagulat sa sinabi ni Presidente Duterte dahil wala pa kaming nabasang reklamo sa kanya at kung kailan naman matatapos na ang termino niya ay at saka siya nasabihang isa sa opisyal ng gobyerno na kurakot.

Nakilala naming mabait na tao at gentleman si Cong. Alfred pero nawala ang paghanga namin sa kanya noong nag-inhibit siya sa pagboto para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN. Hindi kasi namin inakala na ang TV network na unang nagbigay sa kanya ng break sa showbiz ay iniwan niya sa ere.

Anyway, sa Take it Per Minute nina Manay Lolit SolisMr. Fu, at Nanay Cristy Fermin sa kanilang FB Live nitong tanghali ng Martes ay inamin ng una na sobrang upset ngayon ang aktor/politiko.

Naalala ko pa naman si Alfred na medyo madaling maapektuhan ‘yun kasi noong ABS-CBN na nag-inhibit siya ang dami n’yang bashing na natanggap talagang pinatay niya ‘yung phone niya lahat.  Upset na upset siya,” say ni Manay Lolit.

May statement din si Cong Alfred tungkol sa kinasangkutan niyang isyu.

The President himself stated ‘there is no solid evidence’ and ‘mentioning of names is not an indictment’. I am certain that I will be cleared.

“I am ready to submit myself to an investigation by the proper authority. Mere allegation is not proof.

I have been a public servant for the last 12 years. My record is unblemished; my conscience is clear.  I will not allow my political detractors who misinformed PACC to tarnish my name and reputation with wild accusation bereft of the truth.

Mukha pong napadalhan ang PACC ng maling impormasyon ng mga nakalaban natin sa politika,” pahayag ng kongresista.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …